(BR) O ‘objeto suspeito’ que parou o trem por 1 hora em Osaka acabou sendo chá
05/02/2022
OSAKA – Isang pasahero ang nakadiskubre ng isang kahina-hinalang bagay sa loob ng isang tren sa isang station malapit sa Universal Studios Japan kanina, ika-2 ng Mayo, na naging sanhi ng pagkasuspinde ng mga byahe ng mahigit 1 oras. Naapektuhan ang mahigit 11,200 pasahero sa delay, kasama na ang mga patungong USJ.
Ayon sa Osaka Prefecture Police Konohana Police Station, natagpuan ng isang pasahero ang isang plastic bottle na may lamang likido sa loob ng isang 8-car train na papuntang Nishikujo Station. Dahil sa pangyayari, tumigil ang byahe sa Sakurajima Station ng bandang alas-7 ng umaga. Dali-daling sumugod ang mga firefighter upang kumpirmahin ang bagay.
Ang plastic bottle na nadiskubre ay may label ng tubig, ngunit brown ang likido sa loob kaya’t itinuring itong kahina-hinalang bagay. Nadiskubre na isa lang palang tsaa ang laman ng bote.
Ayon sa West Japan Railway Co., halos 14 na byahe ng JR Sakurajima ang nakansela dahil sa pangyayari.