20-taon gulang na lalake, arestado sa pag-kidnap sa 2 babae
04/04/2023
TOKUSHIMA – Inaresto ng Tokushima prefectural police ang isang 20-taon gulang sa pag-kidnap sa dalawang dalaga na nakilala niya sa isang social media application.
Ang suspek na kinilalang si Ayumu Kiribuchi, isang company employee sa Gunma prefecture ay inaresto noong Sabado dahil sa pag-kidnap sa magkapatid na dalaga noong Biyernes. Dinala di umano ng suspek ang magkapatid sa Tokushima prefecture.
Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng tawag mula sa ama ng mga biktima na sinasabing hindi umuwi ang kaniyang mga anak.
Nadiskubre ang mga biktima at suspek sa loob ng sasakyan sa isang parking lot sa isang shopping center bandang 10:30 ng umaga noong Biyernes. Mabuti nalang at ligtas naman sa pakahamakan ang magkapatid at inaalam sa ngayon ang motibo sa pangyayari.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.