Isang empleyado ng Konami gaming company, arestado sa attempted murder matapos hampasin ng fire extinguisher ang dating boss sa Tokyo
04/14/2023
TOKYO – Isang lalaki na empleyado ng kilalang game company, Konami, ang inaresto ng mga pulis sa kasong pagtangkang pagpatay sa dating boss sa loob ng kanilang opisina sa paghahampas dito sa ulo gamit ang isang fire extinguisher.
Employee of game production company arrested for attempted murder after striking former boss with fire extinguisher (TBS)
Ang suspek na kinilalang si Yamazaki, 41-taon gulang, ay inaresto ng mga pulis sa pangyayari. Hinampas di umano ni Yamazaki ang kaniyang 48-taon gulang na dating boss sa likurang bahagi ng ulo. Nagtamo ng minor injury ang biktima, kabilang na ang mga pasa sa ulo at braso.
Ayon sa mga pulis, nasa isang grupo dati nagtatrabaho ang dalawa at nagreklamo na di umano ang suspek ng power harassment mula sa dating boss. Sa huli ay walang ginawang aksyon ang kompanya dahil wala naman di umanong harassment na nagaganap.
Sa interogasyon na naganap, inaalam ng mga pulis ang tunay na motibo sa krimen at sinasabing inamin ni Yamazaki ang pananakit at sinabing hanggang ngayon ay nakakatanggap siya ng power harassment mula sa boss kaya’t naisip niya ang pananakit.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.