Babae, arestado matapos ibaon sa lupa ang kakapanganak na baby sa garden ng mga magulang
04/20/2023
AICHI – Inaresto ng Tokoname Police sa Aichi Prefecture noong Miyerkules, Abril 19, ang isang 29-taon gulang na babae sa paglibing sa kakapanganak na baby sa garden ng kaniyang magulang.
Woman arrested after body of her newborn baby found buried in parents’ garden (CBC)
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Kotomi Minagawa, isang single mother, ay umamin na inilibing niya ang sanggol matapos siyang manganak sa loob ng kaniyang apartment sa Naka Ward, Aichi noong kalagitnaan ng Abril.
Nagtatanggal di umano ng mga damo sa garden ang ina nang madiskubre niya ang bangkay ng sanggol bandang alas-10 ng umaga noong Martes. Ayon sa mga pulis ay hindi matukoy ang kasarian ng sanggol.
Wala rin mga senyales ng sugat sa katawan ng bata na nakabalot sa isang pink na towel at punong-puno ng lupa. Magsasagawa ng autopsy report ang mga pulis upang matukoy ang pagkamatay.
Wala di umanong alam ang mga magulang ng suspek na buntis ang kanilang anak.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.