Babae, itinago ang namatay na ina sa loob ng kanilang bahay ng lagpas 1 taon, naniniwala na muli itong babalik sa pagkabuhay!
04/21/2023
SAITAMA – Inaresto ng Hasuda Police sa Saitama prefecture ang isang 53-taon gulang na babae sa hindi pagreport ng pagkamatay ng kaniyang ina na itinago niya sa loob ng kanilang bahay ng lagpas 1 taon.
Daughter, arrested for keeping dead mother’s body for a year, believing she would come back to life. (TBS)
Ang suspek na kinilalang si Yoshimoto, ay sinasabing ang kaniyang namatay na ina ay inaantay niyang magbalik sa pagkabuhay. Patuloy na tinatanggap ni Yoshimoto ang pensyon ng ina hanggang sa nadiskubre ito.
Nadiskubre ang katawan sa living room ng isang kamag-anak na bumisita noong Miyerkules, Abril 19.
Dahil sa pangyayari ay mag-sasagwa ng autopsy report ang mga pulis sa pagkamatay ng kaniyang ina.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.