Matandang lalake, patay matapos saksakin ng kaibigan ng anak sa Chita City
04/24/2023
AICHI – Isang 80-taon gulang na lalaki ang patay nitong Sabado, Abril 22, matapos saksakin ng lalaking kaibigan ng anak na bumisita sa kanilang bahay sa Chita City sa Aichi Prefecture.
80-year-old man dies after apparently being stabbed by daughter’s friend (CBC)
Nangyari ang insidente bandang alas-11 ng gabi, na kung saan tumawag ang isang babae sa 119 ang sinabing nasaksak ang kaniyang ama. Dali-daling sumugod ang isang ambulansya at nadiskubre ang duguang ama na kinilalang si Nishioka. Isinugod siya sa ospital ngunit namatay din bandang ala-1 ng madaling araw noong Sabado.
Ayon sa mga pulis, bumisita ang isang 43-taon gulang na lalaking kaibigan ng anak ng biktima noong Biyernes ng gabi. Narinig di umano ng anak na nagkaroon ng away sa living room ang kaniyang ama at ang kaniyang kaigiban, at nakita nalang niya na nagmamadaling umalis ng bahay ang lalake. Nadiskubre niya ang isang duguang kutsilyo na nasa sahig.
Sa kasalukuyan ay nakilala na ang lalaki ngunit nagtatago pa ito at hindi pa sumusuko.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.