Delivery man na naputulan ng daliri habang nagtatrabaho, tumuloy parin sa pagdeliver! Isang bata, nakapulot ng daliri!
04/28/2023
KYOTO – Gabi ng Abril 24, isang parte ng daliri ng tao ang napulot ng isang bata sa isang kalye sa Maizuru City, Kyoto prefecture. Napag-alaman na ang daliri ay pagmamay-ari ng isang lalaking delivery staff na nasa 60s ang edad.
Kyoto Delivery man, lost a finger while working; continued to deliver! Student, found the finger on a street! (ANN)
Bandang alas-4 ng hapon, isang elementary school na estudyante ang nakapulot ng tila daliri ng tao sa kale ng Asaro-Nishi machi, Maizuru City.
Kumonsulta ang bata sa ina nito na siyang nagreport sa mga pulis at sinabing may napulot silang daliri ng tao.
Base sa imbestigasyon, ang daliri ay fresh pa at walang senyales ng pagkaputol gamit ang kutsilyo.
Walang nakitang dugo sa lugar, ngunit nitong Abril 25 ay nagkaroon ng report sa bakas ng dugo kaya’t nagkaroon ng imbestigasyon ang mga pulis at doon ay nadiskubre nila ang delivery man.
Nakilala ng mga pulis ang lalakli at sinabi nitong naipit ang kaniyang daliri sa sliding door habang nagpapadala ito ngunit pinagpatuloy parin niya ang pagdedelivery kahit na naputulan ito ng daliri. Hindi siya kumonsulta sa medical facility matapos ang pangyayari.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.