Lalake, arestado sa pananaksak at pagpatay sa kapitbahay dahil sa ingay sa apartment sa Aomori
05/10/2023
AOMORI – Inaresto ng Aomori Police ang isang 51-taon gulang na lalaki sa kasong pananaksak at pagpatay sa isang kapitbahay at sa kaibigan nito sa loob ng isang apartment noong Linggo, Mayo 7.
Man arrested over murder or neighbor after noise dispute at apartment in Aomori (ATV)
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Funamizu , ay sinasabing sinaksak ang dalawang kapitbahay gamit ang isang fruit knife dahil sa pag-iingay.
Hiniwa di umano ng suspek sa leeg ang 69-taon gulang na kapitbahay, at sinaksak ang 68-taon gulang na kaibigan nito na bumisita lang. Matapos ang insidente ay tumawag ng pulis ang suspek upang ireport ang nagawang krimen.
Parehong biktima ang isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay ang kapitbahay nitong nagilitan sa leeg. ligtas naman sa pagkamatay ang kaibigan ng kapitbahay at sa ngayon ay nagpapagaling sa ospital.
Sinasabing noong Mayo 2 ay nagreklamo sa pulis ang suspek dahil sa ingay na umaabot sa kaniyang apartment. Noong panahon ng insidente ay nag-iinom ang mga biktima ng ala-1 ng tanghali, at tila hindi na napigilan ng suspek ang pagtitiis sa ingay.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.