Isang oso, sinasabing inatake ang isang mangingisda dahil sa natagpuang ulo ng tao sa isang lawa sa Hokkaido
05/16/2023
HOKKAIDO – Nagsagawa ng search operation ang mga pulis dahil sa isang nangingisda ang nawala sa isang lawa sa Hokkaido, hinala ng mga pulis na inatake ito ng isang oso dahil sa ulo ng tao na natagpuan sa lugar.
Bear attack on angler suspected after human head found at Hokkaido lake (Nihon Terebi)
Ayon sa mga pulis, mag-isang nangingisda ang lalaking si Nishikawa, 54-taon gulang, sa Lake Shumarinai sa Horokanai noong Linggo. Isang empleyado ng boat operator ang nakakita ng isang galang oso kaya’t sinubukan niyang tawagin si Nishikawa upang pabalikin ngunit nabigo ito.
Dahil sa pagkakadiskubre ay nagkaroon ng bear hunt operation at may napatay na oso sa operasyon noong Lunes.
Sa operasyon ay nakadiskubre rin ng ulo ng tao ang mga investigation team at inaalam nila ngayon kung kay Nishikawa ang natagpuan.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.