(PH) Gobyerno ng Japan, balak ng isali ang mga part-timers sa employee pension system
(PH)
TOKYOー Isinasaalang-alang ng Gobyerno ng Japan na isama ang ilang mga short-term contract workers at mga part-time sa employee pension system bilang isang hakbang upang mapalawak ang saklaw ng ‘retirement support system’ , ayon sa mga opisyal ng gobyerno noong Miyerkules.
Sa pamamagitan ng pagsali ng mga empleyado sa ’employee pension program’ hindi lamang sa ‘national pension scheme’ o kokumin nenkin, ay makakatulong ito sa kanila upang makatanggap ng malaking pension pagdating ng hinaharap, ayon sa mga opisyal.
Ang Ministry of Health, Labor at Welfare ay nagpa-planong mag-sumite ng draft ng mga kaugnay na legal na pagbabago sa isang ordinaryong Diet session sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan, ang mga contractual employees, mga part-timers, at dispatch workers na ang oras ng trabaho ay katulad ng mga full-time na empleyado ngunit hindi kasama sa employee pension system ay dahil ang kanilang mga kontrata ay hindi garantisadong maire-renew at kung ang kanilang kontrata ay mas mababa sa dalawang buwan.
Sa ilalim ng iminungkahing reporma, ang mga manggagawa ay makakapag-enrol sa emloyee pension system dahil ang kanilang regulasyon sa trabaho o kontrata sa trabaho ay nagsasaad na maaaring i-renew ang kanilang kontrata o i-renew sa ilalim ng ilang mga kaparaanan.
Isasama rin sila kung ang kanilang mga kumpanya ay may temporary hires na hindi bababa sa dalawang buwan.
Ang gobyerno na naka-link sa Japan Pension Service ay aabisuhan ang mga kumpanya na isama ang mga short-term staff sa employee pension program kung mapag-aalaman na sila ay pasok sa criteria upang mapabilang sa pension program.
Sa Japan, humigit-kumulang 44.4 milyong mga tao na nagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya at sa posisyon ng gobyerno ay mga miyembro ng employee pension program, na may insurance premium na 18.3 porsyento ng buwanang suweldo at pantay na binabayaran ng mga employer at empleyado.
Ang pagtaas ng pension ay tataas alinsunod sa halagang naambag o kinikita ng manggagawa.
News source: NEWSONJAPAN.COM
JN8 -JAPANnavi8-
日本で暮らす外国人を応援する情報サイト