(PH) ANO BA ANG TRABAHO NG ISANG CAREGIVER SA JAPAN? (Hiring Caregivers)
(PH)
Ang pagtatrabaho bilang isang caregiver ay masasabing iba kumpara sa ibang mga trabaho. Kinakailangan ng sapat na konsentrasyon ang ibigay sa mga residenteng binabantayan at nangangailangan ng iyong tulong. Bukod sa pagsuporta sa mga aktibidad ng mga residente sa araw-araw na pamumuhay, ay kinakailangan mo rin silang bigyan emotional na suporta.
caregiver pictures from (c) freepik
Isa ang mga caregivers sa on-demand na workforce ng Japan, ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng matandang populasyon. Dagdag na rito ang pagbaba ng birth rate ng bansa kaya’t sa mga darating na panahon ay inaasahan na mas dadami pa ang mga matatanda kaysa sa bata.
Dahil dito, maraming Caregiver Facilities ang nagooperate sa buong bansa. At binuksan narin ng Japan ang oportunidad para sa mga dayuhan na magtrabaho bilang isang caregiver. Alamin natin ang iba’t-ibang impormasyon tungkol sa pagiging caregiver dito sa Japan at kung saan maaaring mag-apply kung ikaw ay naririto.
DAILY SCHEDULE NG ISANG CAREGIVER
Narito ang isang sampol ng arawang schedule ng isang caregiver. Bukod sa pagpapakain, makikitang isa sa importanteng gawain ay ang magbigay suporta sa mga residente sa pamamagitan ng pakikisama. Kagaya ng pakikipagkwentuhan, pamamasyal, at pakikipaglaro.
images from (c) freepik
PAANO ANG SHIFT SA TRABAHO?
Upang matugunan ng mabuti ang mga residente ng pasilidad, iba’t-iba ang shift na mayroon sa pagtatrabaho bilang isang caregiver. Mayroong pang-umaga lang ang trabaho, at meron ding pang-gabi. Mayroon din namang shift na nagcocover sa gitna upang palaging may bantay at may gabay ang mga residente.
Makikita sa baba ang sampol schedule ng isang caregiver mula sa aming kapartner na pasilidad.
※ Lahat ng schedule ay may kasamang 1 oras na break
Day Service | Caregiver Facility |
① 08:00 – 17:00 | ① 07:00 – 16:00 |
② 09:00 – 18:00 | ② 11:00 – 20:00 |
ANO ANG MGA REQUIREMENTS SA PAG-APPLY?
Karaniwang hinahanap sa pagtatrabaho bilang isang caregiver ang kakayahan sa pag-sasalita ng Hapon. Kaya’t pinapayo na matutong magbasa ng Hiragana at Katakana at pagalingan pa ang kakayahan sa pagsasalita. Ito ay para matulungan at makausap ang mga residente sa kanilang mga kailangan, hindi naman kailangan na talagang magaling, kundi kahit daily conversation level ay sapat na para sa trabaho.
Maganda rin na pumasok sa isang caregiver school upang matuto ng sapat na kaalaman at makatanggap ng certificate dahil isa talaga ito sa hinahanap kung gusto mong magkaroon ng magandang career sa pagiging isang caregiver.
Sa aming Caregiver partner facilities, maaaring kang makapagtrabaho kahit hindi ka nakakabasa ng Kanji characters, ang importante ay marunong kang magbasa ng hiragana at katakana, at marunong kang magsalita at least daily conversation level ng Japanese upang magamit sa pakikipaghalubilo sa mga matatandang residente ng pasilidad.
ANO ANG ITSURA NG MGA PASILIDAD?
Isa sa mga kailangang panatilihin ng mga pasilidad ang kalinisan, kaya’t isa sa mga magiging trabaho ng isang caregiver ang pagpapanatili ng kalinisan sa lugar. Malinis at maaliwalas na kapaligiran ang kailangan ng mga residente kaya’t malilinis ang mga pasilidad dito. Hindi mawawala ang canteen, ang tulugan, maging ang checkup room para sa mga residente.
care nozomi dream facility (c) minnanokaigo
SAANG LUGAR ANG INYONG MGA CAREGIVER FACILITIES?
Marami kaming pasilidad na posible kayong makapagtrabaho. Mayroon kami sa Kasugai, Konan, Kitanagoya, Komaki, Fuso, sa Nakagawaku ng Nagoya City, Ichinomiya at Ama City! Marami pang iba kaya’t huwag kayong mahiyang kumonsulta sa amin!
PAANO MAG-APPLY SA TRABAHO?
Magfill-out lang ng application form sa link sa baba. iClick ang link upang makita ang detalye ng trabaho. Halina at kumonsulta sa’min!
Maari ring tumawag sa aming telepono sa numero na ito:
THIS SERVICE IS TEMPORARILY UNAVAILABLE
JN8 -JAPANnavi8-
Site de informações apoiando estrangeiros que moram no Japão