(PH) Taunang bilang ng mga sinisilang na sanggol, inaasahang mababa ngayong 2020
(PH) TOKYO (Mainichi) – Ayon sa nakalap na balita nitong Sabado, inaasahan na ng gobyerno na isa sa pinakamababa ang maiitalang total na bilang ng mga sisilang na sanggol ngayong 2020. Ito ay inaasahan na bababa ng 845,000 na bilang ngaong taon.
Ito ay mas mababa pa kumpara sa bilang ng nakaraang taon (2019), na umabot sa 865,000, na isa rin sa pinakamababang resulta kung ikukumpara sa datos 120 taon na nakalipas.
Ang gobyerno ay magsasagawa ng estimasyon sa Disyembro para makita na ang total na magiging bilang. Ngunit inaasahan na isa nanaman ito sa pinakamababang maitatala na nagpapatuloy parin sa ika-5 beses sa sunod-sunod na taon na naitala.
Noon pa lamang 2016, naitala na ang pagbagsak ng bilang ng mga naisisilang na sanggol bawat taon sa 1 milyon ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare. Ang dahilan nito ay pagpili ng mga hapon na wag na lamang magpakasal o ang magpakasal nalang sa mas nakatatandang edad.
Ang patuloy na pagbagsak ng birthrate at populasyon ay lalong magpapahirap sa gobyerno na mapanatili ang national pension, medical insurance at nursing care sa mga darating pang taon.
Nito pa lalmang Enero hanggang Agosto, naitalang umabot lamang sa 580,000 ang bagong silang na sanggo, 2.3 porsyento na mas mababa kumpara sa mga nakaraang taon.
Pati narin ang dami ng mga naitalang buntis ng unang parte ng taon, ay naitalang bumaba rin dahil sa pandemic.
“Ang bilang ng mga bagong silang na sanggol ay maaari pang bumaba sa 800,000 sa susunod na taon”, sabi ng isang source.
News Source: The Mainichi
JN8 -JAPANnavi8-
Site de informações apoiando estrangeiros que moram no Japão