Paano nga ba magpadala ng malalaking gamit sa Mercari gaya ng furnitures? Ano ang dapat gawin?
Isa ka ba sa namomoblema kung paano mag-dispose ng mga malalaking kagamitan sa bahay nang hindi gumagastos? Naisipan mo na bang ibenta ang iyong mga furnitures online? Dito sa Mercari, may serbisyo sila na mapapasimple ang inyong pagbabalot at magbenta ng mga appliances at furnitures na malalaki. Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang serbisyong ito ng Mercari.
PAANO MAGPADALA NG MALALAKING GAMIT SA MERCARI?
Dalawa ang paraan upang makapagpadala ng mga furnitures sa Mercari
IPADALA ANG FURNITURE GAMIT ANG RAKURAKU MERCARI
Maaring gamitin ang Rakuraku Mercari upang maipadala ang inyong malalaking furnitures na binibenta nyo sa Mercari. Ito ay available sa mga furniture na hanggang 160cm ang laki o nasa 26kg.
Ang total na haba, lapad at timbang ay dapat nasa 160cm. Hindi ito maaari sa mga bagay na mas malaki sa 160cm.
Bukod dito, meron din ang Mercari na “YuYu Mercari” upang maipadala ang inyong mga furniture, ngunit ang sukat nito sa lahat ng sulok ay dapat nasa loob ng 100cm lamang.
Maaring gamitin ang Rakuraku Mercari at Yuyu Mercari sa pagpapadala.
HINDI NAKAILANGAN SULATAN NG IMPORMASYON NG DESTINASYON
Maaring ipadala ang kagamitan sa Rakuraku Mercari gamit lamang ang delivery code kaya’t hindi na kailangan pang isulat ang address. Convenient ito at hindi mo na kailangan pang magbayad sa cash register para makapagpadala.
Mahigit 41,000 delivery locations ang available nationwide, kasama na ang mga lokal na convenience store, Takyubin lockers sa mga train station, at Yamato sales offices.
Kapag magpapadala ng mga furniture, pwede ka rin mag request ng pickup, kailangan lang i-presenta ang invoice number.
ANG SHIPPING FEE AY FLAT RATE NATIONWIDE
Gamit ang Rakuraku Mercari, pwede kang magpadala ng furniture sa flat rate nationwide, kahit saang lugar mo ipadala ito sa buong Japan ay pare-pareho ang presyo. Mas mapapadali ang inyong transaction dahil hindi kana mamomoblema sa tinitirahan ng iyong buyer.
PRIVACY NG IMPORMASYON PARA PAGPADALA
Pagkapadala mo ng item, pwede mo icheck ang status ng padala sa transaction screen ng app. Ito ay madali dahil hindi mo na kailangan pang ilagay ang tracking number, na karaniwang kinakailangan sa pag-track ng item sa mga courier services.
Dagdag pa rito, bilang pagprotekta sa privacy ng seller at buyer, posible silang magkaroon nang transaksyon nang hindi nagpapalitan ng pangalan at address. Safe ito at sigurado dahil ang Rakuraku Mercari na ang maghahandle ng trasaksyon.
MAY MAAASAHANG SUPPORT SERVICE
Kung gagamit ka ng Rakuraku Mercari upang magpadala, magbibigay ang Mercari ng nararapat na suporta sa iyong shipping kung magkaroon ng pagkakataon na magkaproblema dito.
Kung mawala o masira ang item, kontakin lang ang Mercari at sila na ang aasikaso ng problema.
PAANO KUNG MALAKI PA SA 160cm ANG BAGAY NA IPAPADALA?
Kung ang laki ng inyong item ay lalagpas sa 160cm sa sulok, o kung ang packing ay mahirap gawin, nirerekomenda ng Mercari na gamitin ang 「梱包・発送たのメル便」 Packing and Shipping TANOMERU
Gagawan namin ng sariling topic ang Tanomeru Shipping method sa mga susunod na araw.
Source: Mercari
Other Mercari Articles
● Paano magtransfer ng pera from Mercari to bank account?
● Ano ang Mercari sa Japan at paano magbenta dito?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang YuuYuu Mercari?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang Rakuraku Mercari?
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.