Bonita de Pamilya Resto & Bar, ang Pinoy & Brazilian restaurant sa Iwakura City!
THIS STORE HAS PERMANENTLY CLOSED
Alam nyo ba na may Philippine at Brazilian restaurant sa Iwakura City? Pareho mong maeenjoy ang sarap ng lutong Pinoy at Brazilian sa ating bagong Pinoy restaurant shoukai! Tara na at bisitahin ang Bonita de Pamilya Resto & Bar sa Iwakura City!
BONITA DE PAMILYA RESTO & BAR (ボニタ デ パミリヤ レスト アンド バー)
Ang Bonita de Pamilya Resto & Bar ay nagsimula noong July 2022. Bagong bukas pa lamang ito noon ay marami na ang nakakaalam at pumupunta sa lugar dahil sa kilala ang restaurant owner nito bilang isang magaling na cook sa lugar.
Bukod sa mga Philippine foods ay marami ring Brazilian foods ang hinahanda ng Bonita de Pamilya. Di mawawala ang masasarap na potahe gaya ng sisig, pancit, nilaga, palabok at iba pa!
Mayroon din silang mga inihaw meals gaya ng barbecue, mga inasal, at iba pang ihaw-ihaw! May handa rin silang mga Brazilian foods gaya ng coxinha, pastel, at iba pang kilalang Brazilian dishes.
MINIBAR
Araw-araw ay bukas rin ang minibar ng Bonita de Pamilya. Para sa nais uminom ng alak kasama ang mga kaibigan, bukas ang Bonita de Pamilya para sa inyo. Dagdagan mo pa ng Karaoke at talagang maeenjoy mo ang oras mo dito.
NOMIHOUDAI (DRINK-ALL-YOU-CAN)
Mayroong Nomihodai (Drink-all-you-can) ang Bonita de Pamilya! Sa halagang 2,000 yen +tax ay maaari ka nang uminom ng walang sawa sa loob ng isang oras!
NOMIHODAI SCHEDULE
Drink-all-you-can Service every Fridays to Sundays
●2,000 yen per person (good for 1hr)
LIQUORS | PRICE | LIQUORS | PRICE |
Asahi Bottle | ¥600 | Sapporo | ¥580 |
Asahi Can | ¥550 | Heineken | ¥600 |
Corona Extra | ¥600 | Umeshu (梅酒) | ¥500 |
Super Dry Asahi | ¥550 | Jinro Soju | ¥500 |
High Ball | ¥550 |
TABEHOUDAI (EAT-ALL-YOU-CAN)
Isa sa inaabangan ng mga customers ng Bonita de Pamilya ang kanilang Tabehodai (Eat-all-you-can) day! Tuwing ika-tatlong Sunday ng buwan ay isinasagawa ang kanilang tabehodai day, na nasa 1,500 yen kada isang tao (good for 1hr).
Maraming handang potahe palagi ang Bonita de Pamilya at mag-eenjoy ka talaga! Mayroon ring kasamang Brazilian foods kaya’t di lang Pinoy dishes ang iyong matitikman!
TABEHODAI SCHEDULE
11:00AM – 05:00PM | Every 3rd Sunday of the month
●1,500 yen per person (good for 1hr)
●750 yen for children
DELIVERY SERVICES AND TAKE OUT MEALS
Tumatanggap ng DELIVERY SERVICES ang Bonita de Pamilya. FREE DELIVERY na sila kung nasa Iwakura City ang umorder at magdadagdag lang ng additional delivery charge kung sa labas ng syudad.
Mayroon din silang masasarap na take out meals at mga merienda. Gawang Bonita de Pamilya ang mga tinitinda nila kaya’t fresh ang mga ito at mabilisang nauubos.
PALUTO AND CATERING
Pwede rin ang mga PALUTO AT CATERING SERVICES sa Bonita de Pamilya. nasa 5,500 yen ang isang normal size tray sa mga nais magpaluto, maaari ring mag-request sa owner ng nais mong ipaluto. Marami silang kayang lutuin kaya’t marami kang mapagpipilian.
Mayroon din silang catering services! Marami ang servings nila kaya’t kinukuha silang catering partner ng mga events gaya ng birthday parties, binyag, at iba pa.
EVENT RENTALS
Tumatanggap din sila ng Event rentals. Kung sakaling nais nyong magcelebrate ng isang event, maaari silang mag host bilang isang catering service sa inyo. Kontakin lamang sila ukol dito.
BONITA DE PAMILYA AMBIENCE
Nakakarelax at may Jazz music na tumutugtog nang pumunta kami sa Bonita de Pamilya. Napakabait ng owner at sobrang maasikaso sa kaniyang mga customers. Nasa mahigit 13 katao ang maaaring kumain sa loob ng restaurant, at may space pa sa labas para kumain kung sakaling marami ang mga customer ng lugar.
May maluwag na parking space ang building na open para sa lahat ng customer ng lugar kaya’t makakasigurado ka na may mapaparkingan ka ng iyong sasakyan.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT BONITA DE PAMILYA RESTO & BAR
Ang Bonita de Pamilya Resto & Bar sa Iwakura City ay accessible at madaling mapuntahan. Mula Iwakura Station ay 5 minuto lang ang layo kung pupunta ng naka kotse, at 13 minutos ang layo kung lalakarin.
Katabi ito ng Nafuco Fujiya Supermarket. Maluwag ang complex at maraming parkingan kaya’t makakasigurado ka na may mapupwestuhan ang iyong sasakyan. Katabi rin nito ang Katutubo Philippine Store kaya’t makakabili ka ng mga Philippine products pagkatapos mong kumain!
BONITA DE PAMILYA RESTO & BAR ADDRESS
Bonita de Pamilya Resto & Bar Iwakura City
BUSINESS HOURS: MON ~ SAT 10:00AM – 08:00PM | SUN 11:00AM – 07:00PM
CLOSED EVERY WEDNESDAYS
TEL: 0587-30-3015
〒482-0001 Aichi Prefecture, Iwakura City, Higashi Shin Machi, Kamano Kuchi Iwakura Danchi 1-163-6
BONITA DE PAMILYA RESTO & BAR Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.