Tulong mula sa Japan, America sa pagsugpo sa terorismo
Ayon sa Malacañang, nagpahayag ng pagtulong ang dalawang malalaking bansa sa Pilipinas; ang Amerika at Japan. Inanunsyo noong Lunes ni Presidential Spokesman and Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo na magbibigay ng 300 milyong piso ang Amerika para sa intelligence aid habang ang Japanese Foreign Minister Taro Kono ay nangako ng pagsuporta sa Pilipinas sa paglaban ng kasukdulan ng terorismo. Nagagalak si Panelo sapagkat nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika pagdating sa pakikidigma at terorismo. Bagamat hindi sinabi ng partikular ng minister ng Japan kung paano nila tutulungan ang Pilipinas, sinabi ni Panelo na tatanggapin nila anomang tulong na ibibigay ng Japan. Ipinahayag din niya ang paninindigan ng Japan na ibalik ang rehabilitasyon at muling pagbuo ng Marawi at pagpapaunlad ng Autonomous Region sa Muslim Mindanao, kabilang ang pagpopondo ng Road Network Development Plan para sa rehiyon.
©philstar
Kinilala ni Kono ang kontribusyon ng Pilipinas sa paglago ng socioeconomic sa Japan at ipinarating rin nya na magbubukas sila ng trabaho para sa mga kwalipikadong Pilipino.
Pinasalamatan ng Presidente si Kono sa pagdalo sa inagurasyon ng Japan’s Consulate sa Davao na inilarawan nya na “significantly expanding Japan’s presence and ties in the Southern Philippines.” Dagdag pa ng Presidente, masasabing isa talagang tunay na kaibigan ang Japan at mapapatunayan ito sa pakikiisa sa nasimulang “Build, Build, Build” program may kinalaman sa pagpapalago ng imprastaktura at teknolohiya na makakatulong sa Filipino practitioners and experts.
©BusinessMirror
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.