Same-sex couples sa Japan, umapela sa marriage ban!
Ngayong buwan ng Pebrero, araw ng mga puso, siyam na pares ng couples/lovers ang nag-file ng kaso laban sa gobyerno dahil sa kasalukuyang sistema na humahadlang sa kanilang kalayaan na magpakasal sa kanilang katuwang na may kaparehong kasarian. Ang pag-uusig ay isinampa sa ilang distrito ng Tokyo at Osaka. At sa lalong madaling panahon, plano din isampa ang paguusig sa distrito ng Sapporo sa hilagang Japan at Nagoya sa gitnang Japan.
Hindi lamang mga Hapon kundi iba pang mga dayuhan na namamalagi sa Japan ang nagsama-sama upang ipaglaban ang pantay na karapatan sa pagpapakasal. May edad mula 20-50 taong gulang ang mga kabilang sa grupo.
© (Mainichi/Kimi Takeuchi)
Ayon sa lawsuits, ang mga nasasakdal ay tumutukoy sa Artikulo 24 ng katas-taasang batas, na nagsasabing ang pag-aasawa “ay ibabatay lang sa magkaparehong pahintulot ng parehong mga kasarian” ay tumutukoy sa kalayan sa pag-aasawa at hindi ipinagbabawal ang pag-aasawa ng parehong mga kasarian. Hindi sila sumasang-ayon sa pagtanggi ng gobyerno sa kanila para lang pangatawanan ang depinisyon na “husband” and “wife” na nakasulat sa Civil Code or family Registry Act.
Minsan narin naituring na isang “sakit sa pagiisip” ang homoseksuwalidad. Ngunit noong 1980 ay napatunayang hindi ito sakit at hindi kailangan ng medical na atensyon. Noong 2001 naman ay kinilala ng Estados unidos at Europa ang batas upang pahintulutang makasal ang may parehas na kasarian. Mula noong 2008 pa lamang ay hinihikayat na ng Komite sa Karapatang Pantao ng United Nations ang Japan upang ipagbawal ang diskriminasyon dahil sa sekswal na oryentasyon.
Sinasabi rin na hindi napangatawanan ng Sistema ng Japan ang pagbawal sa dalawang hapon na nagpakasal sa Germany noong Setyembre 2018. Kung kaya umaapela sila na ituwid ang kamaliang ito kasabay ng pagbabayad ng multa. Ngunit ayon sa kanilang abogado, “ang tunay na layunin ng demanda ay ang panghuhusga ng hukuman (kasalukuyang kalagayan) ay labag sa saligang batas”.
©TheMainichi
Full article here: https://mainichi.jp/english/articles/20190214/p2a/00m/0na/006000c
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.