Gifu: Pilipino, huli sa ilegal na pagpapautang “Yamikin” at pagkuha ng passport bilang garantiya sa utang
Hinuli ang isang kababayan na taga Kani shi Gifu noong February 18 sa kasong ilegal na pagpapa-utang at pagkuha ng mga passport at mga bank card ng mga umutang bilang collateral na walang kaukulang pahintulot o permit na galing sa pamahalaan ng Japan.
Ang inarestong Pilipino ay si Edwardo Ando Canteros, 48 taong gulang. May ari ng isang sari-sari store sa Gifu. Ihaharap siya sa kasong paglabag sa Money Lending Business Law dahil sa pagpapautang ng walang permit, paglagay ng napakataas na interes keysa sa itinakdang limit at ang pagkuha ng passport ng mga umutang na kung saan ay mahigpit na pinagbabawal dahil ang passport ay pag-aari ng gobyerno at walang sinuman ang maaaring mag withheld nito.
Nakarating sa awtoridad ang tip na ito nang malamang nagpautang siya sa 3 niyang kababayan ng 330,000 yen at tumanggap ng 31,500 yen bilang interes na lagpas keysa sa statutory interest na itinalaga. Inimbestigahan ng pulisya ang tungkol dito kung saan natagpuan sa kanyang tirahan ang mahigit 300 na passport ng mga umutang sakanya at ibang mga bank card.
Inamin naman ni Canteros ang bintang sakanya. Nauna na siyang naaresto noong January sa kasong ilegal na pagbebenta ng gamot na galing sa Pilipinas na walang kaukulang permit at natagpuan ang daan-daang gamot sa tindahan nito.
Source: News24.jp
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.