Japan Trench Quake
©ANNnewsCH
Ayon sa panel ng gobyerno ng Japan, higit sa 90% ang posibilidad na maganap ang 7 magnitude na lindol sa Japan Trench sa loob ng susunod na 30 taon.
Ang Japan trench sa silangang Japan ay kung saan ang Pacific plate ay lumulubog sa pagitan ng continental plate. Dito ang lugar kung saan nagkakaroon ng tinatawag na mega-quakes, katulad na lamang ng lindol na tumama sa silangang Japan nong Marso 2011.
At noong Martes, inilabas nila ang resulta ng kanilang panibagong pag-aaral tungkol sa trench. Sinabi na halos 0% ang tyansa na makaranas ng magnitude-9 mega-quake.
Ngunit 90% naman ang tyansa na makaranas ng 7 hanggang 7.5 magnitude na lindol sa silangang Aomori, hilagang Iwate at Miyagi prefectures.
Ang pinuno ng panel na si Naoshi Hirata, isang propesor sa Unibersidad ng Tokyo, ay nagbabala sa mga tao sa hilagang-silangang Japan na huwag makapante na wala nang magaganap na malaking lindol at pinapayuhan ang lahat na maging handa.
Source: NewsOnJapan.com
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.