Medical certificates, planong isama sa requirements bago makakuha ng working visa
©NEWSONJAPAN.COM
Plano ng Justice Ministry ng Japan na gawing isa sa mga requirements sa pagpasok sa bansa ang medical certificates bago makakuha ng working visa, ayon sa isang source.
Sinabi na dapat ay may kompirmasyon ng doktor na kaya nilang magtrabaho at magampanan ito ng maayos. Isasama sa susuriin ang blood pressure level at tuberculosis testing.
Isinama sa requiremnets ang tuberculosis testing dahil sa lumalawak na bilang ng kaso nito sa mga dayuhang nakatira sa Japan. Ang bilang ng mga residenteng dayuhan na may sakit na tuberculosis na nagsimula lamang ng taong 2017 ay umabot na ng 1,530 kung saan umabot ng 1.4 times kompara sa nakalipas na limang taon.
Source: NEWSONJAPAN.COM
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.