Suicide, pangunahing dahilan ng pagkamatay ng 10-14 taong gulang na bata sa Japan
Sa unang pagkakataon, mula nang matapos ang world war, nalaman na ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata mula 10-14 taong gulang ay “suicide” matapos pag-aralan ng gobyerno ang demographic data.
Sa pag-aaral ng data, ang pangunahin ay suicide, sinundan naman ng cancer at pangatlo ay aksidente. Kumpara noong 2003 na higit sa 32,000 katao, bumaba ang bilang ng kaso ng suicide hanggang noong 2017 ay nasa 20,465 na lamang ito. Ngunit ang bilang ng suicide cases sa bawat 100,000 katao na nagpapakamatay mula 10-19 taong gulang ay hindi parin nagbabago.
Ngunit hindi lamang bata ang saklaw nito dahil mula pa noong 2012, isa na rin ito sa pangunahing dahilan ng pagkamatay mula 15-39 taong gulang.
Sa dokumento ng Ministry of Health, Labor and Welfare, hindi pa maipahayag ang malinaw at detalyadong dahilan ng suicidal. Ayon sa nakasulat sa dokumento, sa mga nakaraang kaso ng suicide ay walang nakikitang bakas nang pagsasagawa ng “suicide attempt” kung kaya’t mas mahirap itong malaman ng mga nakapaligid sa kanila.
Kamakailan lamang naging usapin sa Japan na ang peak ng pag-commit ng suicide ng mga bata ay nagsisimula pagkatapos ng bakasyon nila katulad ng spring at summer vacation.
Sinabi ng school counselor na upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay dapat makakuha pa sila ng mas detalyadong aksyon na karaniwang ginagawa o ipinapahiwatig ng suicide victim. At tayo namang nakatatanda ay gaano natin kayang alamin at suriin ang struggle na kinahaharap ng bata.
Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.