‘Reiwa’ as new era name
©ANNNEWS
Mula kahapon, Lunes, laman ng usapin ng bawat mamamayan sa Japan ang salitang “reiwa”. Ito ang napili ng gobyerno ng Japan upang maging pangalan ng bagong era na pamumunuan ni Crown Prince Naruhito mula sa May 1.
Ayon sa Chief Cabinet Secretary na si Yoshihide Suga, hango ang “reiwa” mula sa Manyoshu, ang pinakalumang anthology sa Japanese poetry na hanggang ngayon ay umiiral pa.
Ito ay mula sa isang sipi na maaaring isalin bilang:
“Sa unang bahagi ng tagsibol, ang hangin ay sariwa at ang hangin ay kalmado. Ang mga bulaklak na kaakit-akit ay namumulaklak tulad ng isang magandang babae na naglalapat ng puting pulbos sa harap ng salamin at ang halimuyak ng mga bulaklak ay tulad ng mga balabal na may mahalimuyak na insenso.”
Sinabi ng Punong Ministro na si Shinzo Abe na ang pangalan ay kumakatawan sa pag-asa na ang bawat Japanese ay makamit ang kanilang mga hangarin tulad ng isang bulaklak ng kaakit-akit na yumayabong pagkatapos ng matinding taglamig.
Sinabi niya, “Ang kultura ay nurtured kapag nagkakaisa ang mga tao na may mga mabubuting puso. REIWA ang kahulugan nito.”
Ayon sa impormasyon na nakalap ng NHK na nagsumite ang pamahalaan ng anim na panukalang pangalan sa mga eksperto. Ang huling desisyon ay ginawa ng lahat ng mga ministro sa isang pulong ng Gabinete.
Maagang ipinahayag ng Gobyerno ang magiging tawag sa bagong era para makapaghanda ang mga kompanya at iba pang sangay ng gobyerno para dito. Kailangan ito sa mga mahahalagang papeles katulad ng health insurance cards, kalendaryo pati narin drivers’ licenses.
Ito ang unang pagkakataon na ginamit ang karakter na “rei,” sa pangalan ng era. Ang pangalawa ay “wa,” na 19 na beses ng ginagamit.
Source: NewsOnJapan
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.