Labor minister, kontra sa mungkahi na ipa-BAN ang ‘female dress codes with high heels’
Ayon sa pahayag ng labor minister noong Miyerkules ay hindi niya sinusuportahan ang protesta tungkol sa pag-ban ng dress code na kung saan kailangan na magsuot ng high heels ang mga babae sa trabaho.
Photo: REUTERS/Kim Kyung-Hoon
“Tanggap ito ng pangkalahatan sa lipunan (pagsusuot ng high heels) na kailangan ito at makatwiran na gamitin sa lugar ng trabaho,” sabi ng Minister of Health, Labour and Welfare Minister na si Takumi Nemoto sa panahon ng sesyon ng komite ng Diet.
Naipahayag niya ito matapos niyang matanggap ang petisyon noong Lunes mula sa grupo na nagtatrabaho laban sa gender-based na diskriminasyon sa trabaho. May bilang na 18,800 ang pumirma upang hilingin sa gobyerno na ipagbawal ang mga kumpanya na nag-aatas na magsuot ang mga babaeng empleyado ng high heels sa trabaho, na may kinalaman sa pagka-apekto ng kalusugan at iba pang isyu hinggil sa pagsusuot ng high heels.
Ang grupo ay bahagi ng #KuToo movement – isang amalgam ng “#MeToo,” at ang mga salitang Hapon para sa sapatos-kutsu, at sakit-kutsuu.
Tumugon si Nemoto kay Kanako Otsuji, isang miyembro ng oposisyon ng Partidong Demokratikong Partido ng Hapon, na nagsabing ang pagpigil sa mga kababaihan na magsuot ng mataas na takong sa trabaho ay “lipas na sa panahon.”
Sinabi ni Otsuji na isang “harassment” ang pagpilit sa mga kababaihan na magsuot ng high heels. Ngunit tugon naman ni Nemoto, “Ito ay pang-aabuso ng kapangyarihan kung ang isang manggagawa na may sugat ay pinipilit (magsuot ng mataas na takong).”
Sa kabaligtaran, sinabi ni Emiko Takagai, isang senior vice minister para kay Nemoto, na sinabi sa parehong sesyon na hindi siya naniniwala na ang mga babae ay dapat sapilitang magsuot ng mataas na takong.
©JAPANTODAY
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.