Childcare leave para sa mga kalalakihan, isinusulong ng mga mambabatas
June 10, 2019
Ang mga tagabuo ng batas mula sa namamahala ng Liberal Democratic Party ng Japan ay bumuo ng isang grupo upang isaalang-alang ang mga paraan upang hikayatin ang mga kalalakihan na magkaroon ng “childcare leave”.
Sinasabi ng Japan’s health and labor ministry na noong Oktubre ng nakaraang taon, mahigit sa 82 porsiyento ng mga bagong ina ang kumuha ng childcare leave, habang ang bilang sa datos ay higit sa 6 porsiyento sa mga bagong ama.
Sa pulong noong Miyerkules, ang dating education Minister na si Hirokazu Matsuno ay humingi ng mabilis na aksyon upang baguhin ang pagtingin o mindset tungkol sa mga kalalakihan na nag-aalaga sa kanilang mga anak.
Pinag-iisipan ngayon ng mga mambabatas kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng batas para sa mga kumpanya upang magbigay ng “childcare leave” kahit pa hindi ito hinihingi ng empleyado.
Plano rin ng mga mambabatas na magkaroon ng kampanya para sa karagdagang teleworking o trabaho na maaaring gawin kahit nasa bahay lamang gamit ang telepono o fax.
News source: NEWSONJAPAN.COM | NHK
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.