PROSESO NG PAGHAHANAP NG APARTMENT PARA SA ISANG FOREIGNER SA JAPAN
Alam mo ba ang mga proseso na kailangang daanan upang makalipat ka sa iyong bagong tahanan dito sa Japan? Alamin natin ang mga hakbang sa artikulong ito!
1. MAKIPAG-UGNAYAN SA ISANG REAL ESTATE AGENT SA PAGHAHANAP NG IYONG APARTMENT
pic from pakutaso.com
Sa aming Apartment Search Service, maaari niyo kaming kontakin upang alamin ang mga available na properties na maaari mong lipatan. Maaari kang magbigay ng iyong kagustuhan at susubukan naming ihanap ka ng mga property na pasok sa iyong kahilingan!
2. BISITAHIN ANG MGA APARTMENT
Image by vectorjuice on Freepik
Sasamahan namin kayo sa mga property na mapipili nating puntahan para makita niyo mismo ang lugar ng posible nyong lipatan na apartment o bahay. Narito kami upang i-guide kayo sa mga proseso at ipaliwanag sa inyo ang mga gastusin sa paglipat.
3. MAG-APPLY SA MAPIPILING APARTMENT
Kapag nakapagdesisyon ka na sa malilipatang bahay, tutulungan ka naming mag-sumite ng application form na dadaan sa screening! Sa puntong ito ay mai-rereserba natin ang iyong mapipili hanggang sa lumabas ang resulta ng aplikasyon.
[MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO]
- Seal o inkan
- Application Form
- Residence Card Copy (Zairyuu Card)
- Social Insurance Copy (Shakai Hoken)
- Payslip (2 months copy)
[EMERGENCY CONTACT]
Maraming mga property ang naghahanap ng emergency contact ng aplikante. Ang mga mapipiling emergency contact ay hindi tatayong tagapag-salo ng problema ng aplikante, kundi tatayo bilang isang emergency contact lamang kung sakaling nagkaroon ng problema sa aplikante.
Narito ang mga kinakailangang impormasyon na maaaring kailanganin para sa screening.
- Full name ng emergency contact
- Katakana spelling ng pangalan
- Full address ng emergency contact
- Housing type (Nakatira ba siya sa isang apartment o sariling bahay)
- Contact number
- Full birthday
- Relasyon ng aplikante sa emergency contact
4. APPLICATION SCREENING
Kapag nakumpleto na ang mga dokumento at isinumite na ay dadaan na ito sa screening process na maaaring magtagal ng hanggang 3-5 araw. Sa panahon na ito ay aantayin natin ang resulta kung makakapasa ba ang aplikante sa Property owner at sa Guarantor Insurance application.
5. PAGKAPASA SA APLIKASYON AT ANG KONTRATA
pic from pakutaso.com
Kapag natapos na ang screening, kokontakin namin kayo upang ibalita ang resulta. Sa panahon na iyon ay pag-uusapan natin ang opisyal na araw ng lipat, maging ang mga babayaran, at ang pag lagda sa kontrata.
6. KONTRATA PARA SA MGA GAS, KURYENTE, INTERNET AT IBA PA
images from pakutaso.com and flaticon
Matapos makapasa sa screening ay isa rin kailangang asikasuhin ang kontrata sa gas, kuryente, internet, tubig at iba pang mga bayarin na kinakailangang gawan ng bagong kontrata.
May mga apartment na pumapayag na mailipat ng aplikante ang ginagamit niyang serbisyo gaya ng internet, at may mga apartment naman na may nakatakda nang mga serbisyo gaya ng gas. Maaaring magtanong sa amin ukol sa bagay na ito.
7. DEPOSITO AT PAGHAHANDA SA KONTRATA
Sa puntong ito ay kinakailangan ng aplikante na mabayaran ang depositong kinakailangan upang makapaglagda na ng kontrata at makapaghanda na sa paglipat.
8. KONTRATA
Kapag nakapaglagda na ng kontrata ay susunod na ang pag-aabot ng susi sa paglipat ng aplikante. Sa panahon ng paglagda ng kontrata ay maaaring kailanganin ang ilan sa mga dokumento sa baba.
[MGA KAKAILANGANING DOKUMENTO]
- Proof of residence para sa lahat ng titira sa apartment (Juminhyo)
- Identification card (Residence card)
- Certificate of withholding tax
- Copy of the vehicle inspection and voluntary insurance certificate (kung may sasakyan)
- Proof of seal impression of guarantor
Dito sa puntong ito maglalagdaan ng kontrata at ipapaliwanag namin sa inyo ang mga bagay na kinakailangang malaman ng aplikante sa pagtira sa apartment.
9. PAGLIPAT!
pic from pakutaso.com
Mabuhay! Ito na ang simula ng iyong bagong buhay sa iyong bagong apartment! Enjoy at huwag kalimutan kaibiganin ang mga kapitbahay!
CONTACT US
Para sa mga interesado sa paghahanap ng apartment, maaari niyo kaming makontak sa aming Facebook page o sa pag-apply sa aming registration form.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.