Ano-ano ang mga binabayaran sa unang pagbayad para makalipat sa isang apartment sa Japan?
Ang mga unang binabayaran upang makalipat sa panibagong apartment dito sa Japan ay may kamahalan at maaari pa itong umabot sa 4 hanggang 6 na buwang renta ng iyong apartment. Kasama na rito ang security deposit, key money at iba pa. Isa-isahin natin ang mga bayarin at alamin kung para saan nga ba ang mga ito.
APARTMENT RENT (Yachin 家賃)
Ito ay ang renta sa apartment na sisingilin sa’yo ng may-ari ng establisyimento. Ang presyong babayaran ay hindi dumidipende sa real estate company kundi ito ay kinukwenta ayon sa baba:
Darating na 1 buwan na renta + arawang renta sa buwan na lilipat.
MAINTENANCE FEE (Kyoekihi 共益費)
Ito ay bayarin para sa mga pailaw sa labas ng bahay, paglilinis at iba pang maaring maging gastusin upang mapanatiling maayos ang pasilidad.
Sa ibang mga lugar, isinasama na ito sa renta, ngunit may iba namang nakahiwalay ang barayin na ito.
Darating na 1 buwan na renta + arawang renta sa buwan na lilipat.
SECURITY DEPOSIT (Shikikin 敷金)
Ang security deposit ay isang advance deposit na karaniwang nasa 1 hanggang 2 buwan ng renta. Ito ay ginagamit ng may-ari ng apartment bilang kabayaran sa mga magiging gastos sa mga sira sa loob ng apartment sa pag-alis ng tenant.
Maaring maibalik ang matitira sa tenant kung may matira pa sa magagastos sa pagpapagawa. Maaari ring wala ng bumalik sa tenant kung gagamitin ang natitirang security deposit bilang kabayaran sa apartment rent bago umalis.
KEY MONEY (Reikin 礼金)
Ang Key Money ay halaga na hindi na naibabalik sa tenant. Ito ay tradisyonal na ibinibigay sa may-ari ng apartment bilang isang regalo. Karaniwang nasa 1 hanggang 2 buwan ng renta ang halaga nito, pero depende ito sa panahon at sa kaso.
Tandaan na hindi na ibinabalik sa tenant ang key money.
REAL ESTATE BROKERAGE FEE (Chukai Tesuryo 仲介手数料)
Ang real estate brokerage fee ay ibinabayad sa mga real estate agent, kagaya namin, na tumutulong sa inyo upang makahanap ng apartment. Ang halaga nito ay karaniwang nasa 1 buwan ng renta.
Kung hindi naman makalipat ang isang aplikante sa gustong tirahan ay hindi kinakailangang magbayad nito.
KEY REPLACEMENT COST (Kagi Kokan Hiyo)
Isa pa sa mga kinakailangang bayaran ng tenant ang pagpapalit ng susi. May kamahalan ang pagpapalit ng susi ng isang apartment na karaniwang nasa ¥15,000 hanggang ¥35,000. Mayroon din namang mura na umaabot lamang sa ¥5,000~ pero ito ay depende sa lugar at sa apartment.
GUARANTOR FEE (Hoshonin Hiyo 保証人費用)
Ang Guarantor fee ay ibinabayad sa isang mapipiling guarantor company. Mayroong mga guarantor insurance company para ito sa mga aplikante na walang Japanese national na maaaring tumayo bilang guarantor nila sa pagkuha ng apartment.
May mga apartment na hinahayaang maghanap ng sarili nilang guarantor company at mayroon rin namang mga apartment na mayroon nang nakatakda. Hinahanapan ng mga apartment landlord ng guarantor ang isang aplikante upang magkaroon ng kasiguraduhan sa mga bayarin. Ang guarantor ang tatayong tagasalo ng mga problema o gastusin na maaaring bayaran ng isang tenant. Bukod sa apartment screening, kailangan ring makapasa ng isang tenant sa screening ng pagkuha ng guarantor insurance.
(Example) (1) Initial ¥21,600 → 1% of (rent + common service charge) per month
(2) 50% of (rent + common service charge) for the first time → ¥10,000/year
FIRE INSURANCE (Kasai Hoken 火災保険)
Ang fire insurance naman ang insurance na tutulong sa tenant sa mga panahon ng sunog. Kinakailangan na ang mga tenant ng isang apartment ay may binabayarang fire insurance upang tanggapin ng may-ari. Karaniwang kasama na rito ang gusaling tinutuluyan, mga kagamitan sa bahay, at iba pa.
CONTRACT RENEWAL (Koshinryo 更新料)
Ang kontrata sa mga apartment ay karaniwang nagtatagal ng 2-taon. Kung gustuhin namang i-renew ng tenant ang kontrata ay kakailanganing magbayad siya ng contract renewal fee na siyang karaniwang nasa 1 buwan ng renta o 50%~150% ng renta.
Tandaan na ito lamang ay ilan sa mga bayarin na kinakailangang bayaran upang makalipat sa isang apartment. Maaring mayroon pang iba pang mga bayarin at dumidipende ito sa bawat apartment. Maaring kumonsulta sa isang real estate company kagaya namin ukol dito para mapaliwang sa inyo ang mga bayarin sa mga mapipili nyong apartment.
Narito ang ilan sa mga payo upang mabawasan ang halaga ng unang bayarin:
- Maghanap ng mga apartment na walang key money.
- Magtanong sa mga real estate agent kung mayroon silang mga diskwentro o promosyon.
- Ikunsidera ang lumipat sa isang fully furnished na apartment kung hindi mo naman kailangan magdala ng kagamitan
- Gawan ng paraan ang paglipat ng mga gamit upang hindi na magbayad ng lipat-bahay fee sa ibang mga kumpanya.
Sa pagsunod sa mga ito, makakabawas ka ng mga dagdag gastusin sa iyong paglilipat at magagamit mo pa ang ilang matitipid na pera sa ibang bagay.
CONTACT US
Maari niyo kaming hingan ng tulong tungkol sa inyong paghahanap ng apartment dito sa Japan. Sa kasalukuyan ay nakafocus kami sa Gifu, Aichi, Chiba, Kanagawa at Tokyo ngunit maaari rin kaming tumulong sa paghahanap ng apartment sa iba pang prepektura dito sa Japan.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.