Gobyerno, gagawa ng aksyon upang tanggalin agad ang SIM locks ng mga mobile carriers
TOKYO – Sinabi ng gobyerno noong Martes, hihilingin nito sa mga kumpanya ng mobile phones na hayaang makalipat ang mga customers ng carrier sa mas madaling paraan sa pamamagitan ng pag-“sim free” ng mga handsets sa una pa lamang na syang pumipigil sa paglipat ng mga customers sa ibang network.
Ang aksyon na ito ay gagawin matapos ianunsyo ng dalawang malalaking mobile carrier ng Japan, ang KDDI Corp at Softbank Corp ang kanilang bagong paraan ng pagbebenta noong nakaraang buwan, kabilang ang pagpigil sa mga customer sa paglipat sa kakumpitensyang network sa loob ng 100 araw kasama ang sinasabing “SIM locks” kapalit sa pagpapahintulot sa kanila na makabili ng handset sa pamamagitan ng installment.
Ang Ministry of Internal Affairs and Communications ang tumutugon sa kritisismo o pintas ng mga gawaing ito na kumokontrol sa mga customers at naninindigan ng patas na kompetisyon sa mercado.
Samantala, ang NTT Docomo Inc, nangunguna sa industriya ng mobile carriers dahil sa dami ng mga subscribers, ay nagpahayag na ipapatupad nila kaagad ang pag-unlock ng handsets, ayon sa tagapag-salita ng kompanya.
Matapos hingin ang opinyon ng publiko, ipapatupad na ng ministry ang bagong batas na ito sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Ang SoftBank at KDDI, na nagpapatakbo ng “au”, ay nagsabi na susunod sila sa panuntunan.
Ang SIM locks ay idinisenyo upang mabawasan ang posibleng pag-takas ng mga customer nang hindi nagbabayad ng natitirang installment ng handsets na kinuha nila.
Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.