Tinaguriang “World’s oldest living person”, nagdiwang ng ika-117 na kaarawan
January 7,2020
FUKUOKA – Isang babae ang kinumpirma ng Guinness World Records bilang “oldest person alive” na ipinagdiwang ang kanyang ika-117 kaarawan sa isang nursing care home sa kanlurang lungsod ng Japan nitong Enero 5.
Kane Tanaka, who turned 117 on Jan. 2, receives a bouquet in Fukuoka’s Higashi Ward on Jan. 5, 2020. (Mainichi/Tomohisa Yazu)
Si Kane Tanaka ay pang-pitong anak sa siyam na magkakapatid sa Fukuoka Prefecture, nayon ng Wajiro, na ngayon ay tinatawag na Fukuoka’s Higashi Ward, noong Enero 2, 1903 – o ika-36 taon ng Meiji. Ang Reiwa ay ang ikalimang era na mararanasan niya, kasunod ng Meiji, Taisho, Showa at Heisei.
Ang babae, na ngayon ay nakatira sa nursing care home sa Higashi Ward, ay dating may negosyo na rice cake shop kasama ang kanyang asawa.
Humigit-kumulang tatlumpung mga residente sa pasilidad ang pumalakpak kay Tanaka, na nagsuot ng kimono sa kanyang birthday party na ginanap tatlong araw pagkatapos ng kanyang aktwal na kaarawan. Nakatanggap sya ng bouquet ng bulaklak at mensahe mula sa mga staffs. Sa tuwing babatiin sya ng maligayang kaarawan, paulit-ulit siyang tumatango at sasabihin, “Salamat,” at, “Masayang okasyon ito.”
Kane Tanaka, who turned 117 on Jan. 2, is served birthday cake in Fukuoka’s Higashi Ward on Jan. 5, 2020. (Mainichi/Tomohisa Yazu)
Sinabi ni Tanaka sa kanyang 69-anyos na pamangking babae na nagpapakain sa kanya ng cake na gusto pa nya ng mas marami nito. Sinayaw rin nya ang tradisyunal na sayaw ng Fukuoka gamit ang kanyang mga kamay habang kinakantahan sya ng mga staffs at talagang mababakas sa kanya ang sigla.
Ayon sa nag-aalagang nars, ang 117-taong-gulang ay magana sa pagkain, dahil naubos nya ang tradisyunal na pagkain na inihahanda sa Bagong taon, ang spiced sake, at nakakalakad pa sa sarili nyang paa ilang beses sa isang araw sa tulong ng mga nars.
Magaling din siya sa paglalaro ng Othello at pagguhit ng kaligrapya ng Hapon. Ang mga Chinese character ng Reiwa, na kanyang isinulat noong magsimula ang bagong era noong May 2019, ay naka-dislay sa pasilidad.
News source: The Mainichi
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.