Epektibong paraan kung paano maiiwasan ang COVID-19
Isang doktor sa Amerika ang nagpapatunay na kung susundin lamang natin ang apat na simpleng paraan na ito ay malaki ang tyansa natin na makaiwas ngayon sa nakamamatay na COVID-19.
Si Dr. David Price ay nagtatrabaho sa Well Cornell Medical Center na may hospital bed capacity na 1,200 at 90% dito ay pasyente na may COVID-19. Siya ang doktor na nagkakabit ng ventilator o tubo para makahinga ng maayos ang mga pasyente na mada-diagnosed na may COVID-19, sa malalang kaso. Sinabi niya na mas malaki ang porsyento ng pagkahawa kapag direct contact kaysa sa hangin (airborne).
Lagi niyang sinasabi na araw-araw niyang nakakahalubilo ang mga pasyente na may COVID-19 ngunit kahit minsan ay hindi pa sya nahawa dito. Noong unang lumabas ang virus, ang kanilang ospital ay hindi dalubhasa sa mga sakit na katulad nito at sya rin ay hindi sapat ang kaalaman kung pano maiwasan ito.
Ngunit sinabi niya na sinusunod lamang nya ang apat na paraan na ito kaya hanggang ngayon ay hindi sya nahahawaan ng sakit.
APAT NA EPEKTIBONG PARAAN UPANG MAIWASAN MAGKAROON NG COVID-19
1.Ugaliing maghugas ng kamay.
Bawat bagay na hahawakan natin (mga bagay na ginamit ng pasyente (kung nasa ospital), at kung nasa pambublikong lugar) ay dapat ugaliin na maghugas ng kamay pagkatapos. Sa paghuhugas ng kamay, kailangan nating gumamit ng sabon at hugasan itong mabuti. Ito ang tamang paraan ng paghugas ng kamay.
2.Iwasan na hawakan ang mukha.
Matapos tayong maghawak ng anomang bagay lalo na sa pampublikong lugar, iwasan nating hawakan ang ating mukha kung hindi pa nakakapag-hugas ng kamay, lalo na ang ating bibig at ilong. Sinabi niya na ito ang pinaka-mahalaga.
3.Magsuot ng face mask.
Sa America daw, sinasabi na hindi naman mahalaga ang mask at wala itong kabuluhan. Dahil siguro sa manipis ito at may butas parin na pwedeng pasukan ng virus.
Ngunit sinabi nya na mahalaga ang facemask dahil makakatulong ito upang mahaharang ang virus. Pero may mas mahalaga pang gamit ang face mask, ito ang magiging proteksyon upang hindi mo mahawakan ang iyong ilong at bibig. Lalo na at mas madalas nating mahawakan ang ating mukha nang hindi natin sinasadya.
Kung wala naman sa ospital na mayroong pasyente ng COVID-19, hindi na daw kailangan ng N95 mask. Maaari na ang ordinaryong facemask.
4.Iwasan muna ang pakikipagkita o pakikihalubilo.
Maliban sa mga kasama sa bahay, hanggat maaari ay huwag muna makihalubilo o kaya naman ay tumanggap ng bisita. Maaaring sila ang carrier ng virus papunta sayo.
Hanggat maaari ay huwag munang sasakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, train etc.
Sundin ang social distancing, 6 feet o 1.8 meters lalo na kung nasa pampublikong lugar.
Isa pa sa paraan ng pag-iingat ng iba ay katulad nang pagka-galing sa super market, bago ilagay sa refrigerator ang pinamili ay isa-isa itong isa-sanitize.
Maaaring simple lamang ang mga paraan na nabanggit upang maiwasan ang nakamamatay na virus ngunit kadalasan, kung ano pa ang “basics” yun pa ang madalas nakakalimutan gawin.
Panoorin ang orihinal na video sa youtube account ni Ms. Tomoe Moore: https://youtu.be/2W3b4cU-Bfg
©Tomoe Moore (YT)
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.