ANO ANG SEIKATSU HOGO 生活保護 (Public Assistance for Livelihood Protection) SA JAPAN? PAANO ANG PROSESO NG PAG-APPLY NITO?
Sa pamumuhay mo dito sa Japan, may mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay mo na maaaring mangyari tulad ng pagkakaroon ng sakit at aksidente na maaaring magdulot sa pag-kawala ng kakayan mong magtrabaho. Mayroon din mga pagkakataon na nagkakaroon tayo ng problema sa pamilya, sa trabaho, na kung minsan pa ay magreresulta sa problema sa pera at kalusugan. Lalo na ngayong panahon na laganap ang virus, marami sa atin ang malubhang naapektuhan ng krisis.
Sa mga ganitong panahon, ang Gobyerno ng Japan (Ministry of Labor) ay may tinatawag na Seikatsu Hogo (生活保護) o Public Assistance for Livelihood Protection kung isasalin sa Ingles. Ito ay sunusumite sa lokal na City Hall upang matulungan ang mga mamayan na ninirahan dito sa Japan sa mga panahon ng kahirapan. Maaring makatanggap ng mahigit 10 hanggang 13 na lapad bawat buwan ang isang aplikante. (depende sa isinumite at estado ng pamilya)
Tandaan na ang Seikatsu Hogo ay parang “Last Resort” ng isang mamamayan dito sa Japan. Kumbaga, kung walang-wala na talagang paraan upang kumita ng pera na kakailanganin sa pang-araw-araw, ang Gobyerno ay nanjan para tumulong makabangon.
Subalit, ang Seikatsu Hogo ay hindi na-apply ng basta-basta. Ito ay dadaan sa masuring pagsisiyasat ng estado ng aplikante. Halimbawa, ang isang aplikante ay naninirahan kasama ang kanyang pamilya pati narin ang kanyang mga kamag-anak, ito ay maaaring hindi maaprubahan. O kaya ay mayron pang ari-arian na maaaring maibenta o kamag-anak na maaaring makatulong sa aplikante.
MGA ARI-ARIAN AT INCOME
Upang makatanggap ng suporta mula sa Seikatsu Hogo, mahalaga na ang kinikita ng isang aplikante ay hindi umaabot sa tinakdang minimum salary wage per month ng Gobyerno dito sa Japan. Ang minimum living expense ay magdedepende sa lugar na tinitirahan ng isang aplikante. Pero kung ang kinikita ay mababa pa sa dineklara ng inyong lugar, posible na makatanggap ng Seikatsu Hogo.
INCOME NG BUONG PAMILYA
Mayroong mga pamilya na nakatira kasama ang kanilang mga kamag-anak sa iisang bahay. Kadalasan ay hindi ito na-aaprubahan para sa Seikatsu Hogo. Ito ay dahil, kailangang mas mababa sa dineklara na minimum income ang kita ng buong pamilya para matanggap dito.
SINO ANG PWEDENG MAG-APPLY
Ang mga taong nagkaron ng problema sa pamumuhay sa Japan dahil sa pagiging kapos sa pera, maaari rin mag-apply ang kamag-anak na kasama sa isang household. Tandaan na ang Seikatsu Hogo ay para sa mga Hapon, at sa mga taong mayroong visa gaya ng mga nasasaad:
- ● Dayuhan na may karapatang manatili sa Japan gaya ng Permanent Residents, Long-term Residents, Asawa ng Permanent Resident, Asawa ng isang Japanese National
- ● Mga Special Permanent Residents ng Immigration Control (Koreans, Taiwanese, atbp.)
- ● Mga Certified na refugees under Immigration Control Act.
ANO ANG MGA KAILANGAN SA PAG-APPLY
- ● Application Form
- ● Declaration Form (Income / Asset Declaration Form)
- ● Identity verification documents (Passport, Residence Card, Driver’s License, atbp. Basta may face photo)
- ● Health Insurance Card (Hokensho)
- ● Inkan (Personal Seal)
Possibleng isumite na dokumento:
- ● Dokumento na may kinalaman sa income (Salary statement, Pension notebook)
- ● Mga iba pang posibleng isumite na dokumento (Rental contract, Medical certificate)
ANO ANG MANGYAYARI PAGKA-SUMITE NG MGA DOKUMENTO
Pagkatapos mag-sumite ng mga dokumento, mayroong empleyado ng Seikatsu Hogo na mangangasiwa nito at maaaring bumisita sa inyong bahay para mag-imbestiga kung ang sinumite na mga dokumento ay tama at kung ang pamumuhay ng aplikante ay kinakailangan ng suporta ng Gobyerno. Pagkatapos ng imbestigasyon, maari nang makatanggap ng benepisyo ng Seikatsu Hogo kung walang problema.
Maaring kumonsulta sa nalalapit na City Hall sa inyong lugar ukol sa mas detalyadong impormasyon sa pag-apply ng Seikatsu Hogo.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.