Ano ang Naishoku work (内職) sa Japan?
Ang Naishoku (内職) o sideline sa Ingles, ay uri ng pagttrabaho sa Japan na kung saan ang trabaho ay simple, at sa panahon ngayon ay kadalasan na ginagawa sa sariling pamamahay. Parang sideline na work from home ika nga. Mula sa kanji character na 内 (nai) o ibig sabihin ay nasa loob, at 職 (shoku) na ibig sabihin ay trabaho.
Ang karaniwang trabaho ng naishoku ay pagdedekorasyon, pagdidikit ng mga stickers, pagpapacking, pag-iiscrew, at iba pang paulit-ulit na simpleng gawain. Makakatanggap ang mag-nanaishoku ng mga materyales at ito ay iinstall, i-aassemble, o iinspeksyunin. Babae ang mga karaniwang nag-nanaishoku lalo na ang mga babaeng ina na naiiwan sa kanilang mga bahay at gustong magpart-time.
NAISHOKU NOONG UNANG PANAHON
Noong sinaunang panahon, ang pag-ttrabaho ng naishoku ay ginagawang sideline para masuportahan ang kanilang mga pamilya. Ang mga trabaho na ipapagawa ay kayang gawin sa sariling bahay gamit ang mga simpleng kagamitan, gaya ng papel, pandikit, mga kahon, atbp.
Ang mga naishoku jobs noon ay kagaya ng pag-gawa ng mga laruan para sa mga bata, pagdidikit ng mga papel sa mga payong, pag-gawa ng mga pamaypay, toothpicks.
MAKABAGONG NAISHOKU
Sa panahon ngayon, mayroon naring mga naishoku jobs na pwede mong magamit ang iyong mga talento gaya ng pagpipinta, pagbuburda, kakayahan sa magmamanupaktura, at iba pang kapakipakinabang na talento para makagawa ng isang produkto.
SWELDO NG NAISHOKU
Ang pasweldo sa naishoku na trabaho ay hindi gaanong malaki kung ikukumpara sa normal na trabaho o kahit sa baito (part-time). Sa kadahilanan na madali lang ang trabaho at sa bahay ito isinasagawa, ang sweldo ay magdedepende parin sa dami ng gagawin, kung ano ang gagawin at kung may pagkakumplikado ba ito. Kung simple lang ito at maraming magagawa sa isang minuto, posibleng nasa 1YEN lang ang isang item bawat gawa. Kung mas kumplikado naman at kakailanganin ng ilang minuto bago matapos, magiging mas mataas ang bayad kada gawa.
Ang pasweldo ng naishoku job ay bawat buwan at ito ay matapos matanggap ng nagpagawa ang produkto galing sa nagnaishoku. Simple lang ang gawain kaya madali lang ito. Sa isang araw ay makakailan kang gawa habang may oras ka parin sa gawaing-bahay.
SAAN AKO MAKAKAHANAP NG NAISHOKU NA TRABAHO?
Marami parin ang mga kumpanya na nangangailangan ng naishoku na trabaho. Kailangan mo lang kumonsulta sa employment agencies, o kaya naman tumingin sa internet. Kung maghahanap sa internet, maaaring “naishoku jobs” o kaya gamitin ang kanji ng naishoku 内職 at magsearch gaya ng “内職 naishoku jobs”.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.