Ano ang Mercari sa Japan at paano magbenta dito?
Ang Mercari ay isa sa mga kilalang buy and sell flea market app na sikat sa Japan. Nagsimula ito noong 2013 at ito’y naging kilala sapagkat ito nakapadali lang ng transaction sa pagpapadala at pagbebenta. Sa ngayon ay meron naring Mercari sa America at United Kingdom.
Ang Mercari sa Japan ay magagamit lang sa salitang Hapon, kaya’t andito kami upang mag-gabay sa inyo kung paano kayo makakapag buy & sell! Napakadali lang gumamit ng Mercari at hindi na masasayang ang mga gamit na hindi nyo na ginagamit.
PAANO MAGBENTA SA MERCARI?
Madali lang magbenta sa Mercari, gumawa lang ng account at sundan ang mga gagawin.
1. Kuhaan ng litrato ang ibebenta
Sa pagkuha ng litrato ng ibebenta magandang kuhaan ang harap ng ibebentang gamit. Payo ko rin na kuhaan din maging ang ibang angulo ng gamit lalo na kung ito ay hindi brand-new at mayron itong mga gasgas o dumi. Mabuting ipakita ito para maging madali ang pagbebenta.
2. Maglagay ng impormasyol tungkol sa bagay na ibebenta
Sa puntong ito, tapos ka na kumuha ng litrato at kailangan mo na lagyan ng detalye ang iyong ibebenta. Mahalagang ilagay mabuti ang detalye tungkol sa bagay na ibebenta. Lalo na kung ito ay may dumi o gasgas. Importante ito dahil mayrong mga Hapon na ayaw ng ganito at gugustuhing ibalik sayo ang item mo. Mabuti rin na ilagay ang detalye ng produkto gaya ng brand name, size, kulay, ano ang mga kasali sa laman, at kung ano ang sira sa ibinibenta. Eto ang mga magagandang ilagay sa seksyon ng detalye.
Maganda ang teknolohiya sa Mercari at may mga bagay na kung kuhaan lang ang bar code gaya ng libro, ay madedetek na ito ng Mercari at kusa ng lalabas ang detalye ng item. Kung minsan naman ay kuhaan mo lang ng litrato, kung may data na sila ay kusa narin lalabas ang detalye ng item!
ITEM NAME: | ブランド | DATE PURCHASED: | 購入時間 | |
SIZE: | サイズ | CONDITION: | 状態 | |
COLOR: | 色 | CONTENTS: | 付属品 | |
MATERIALS: | 素材 | NOTES: | 注意 | |
MEASUREMENTS: |
Main screen kung saan kailangan maglagay ng detalye ng ibebenta.
|
Shipping field at pricing tungkol sa padala at kung magkano
|
|
Category field kung saan pipiliin kung anong uri ng item ang ibebenta | Kundisyon ng item. Mahalaga ito dahil dito rin magbabase ang mamimili sa ibebentang gamit. |
MGA PWEDENG I-SAMA SA DETALYE NG ITEM
すべてのパーツが入っています。 | Nakalagay ang lahat ng parte ng gamit |
開封したので、神経質な方はご遠慮願います。 | Nabuksan na ang nilalaman ng gamit na ito kaya pakiusap sa mga bibili. |
目立った傷や汚れがありません。 | Walang kapansin-pansin na gasgas o dumi |
新品に近いです。 | Medyo bago pa ito. |
中古ですので、ご了承ください。 | Ang produktong ito ay second hand. |
SAMPOL NG KUMPLETONG DETALYE
3. Kumpirmahin ang detalyeng inilagay at iclick ang 出品 button (ibenta button)!
Kapag na-upload na ay makikita mo na ito sa listahan ng mga binibenta mo. Dito maari mo parin palitan ang mga detalyeng nilagay, o kaya baguhin ang presyo kung sakaling magmahal o magmura ang item na iyong binibenta.
ANO ANG MGA PWEDENG IBENTA AT HINDI SA MERCARI?
Ang mga karaniwan mong gamit, maaaring ang damit na hindi mo na sinusuot pero nasa magandang kondisyon pa, pwedeng mamahaling bag, sapatos, laruan, appliances, atbp. Sa kabilang banda, ang mga bagay naman na hindi maaaring ibenta ay mga gamit gaya ng sigarilyo, mga fake branded items, mga bagay na pwedeng pagsimulan ng apoy at iba pang hindi ligtas na ipadala.
ANONG COURIER COMPANY ANG MAGANDA PARA MAKAPAGPADALA?
Maraming parter convenience stores ang Mercari kaya’t napakadali lang talaga magpadala. At wala ka pang babayaran dahil kasama na ang shipping fee sa mismong transaction kapag ikaw ay nagbenta. Partner sila ng mga common na combini gaya ng Family Mart, Lawson, 711, pati narin ang Yamato at Japan Post office.
Gagawan natin ng mas detalyadong impormasyon ang tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapadala na naaayon sa laki ng item.
PAANO KUNG MAGKAPROBLEMA?
Wag kang mag-alala dahil maganda ang protection support ng Mercari. Mayron silang review option sa bawat magtitinda at bibili ng gamit kaya makikita mo kung legit ba ang nagtitinda o kung marami itong bad reviews. Isa pa, ang pera ay hindi kaagad makukuha ng nagbenta hangga’t hindi ito kinukumpirma ng bumili. Kaya makakasigurado ka na may good transaction kayo ng buyer o ng seller.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.