Paano magtransfer ng pera from Mercari to bank account?
Paano nga ba mag-transfer ng kinitang pera sa Mercari papunta sa iyong personal bank account? Narito ang guide na ito upang tumulong sa proseso ng pagtransfer. Halika at isa-isahin natin ang settings option ng Mercari app upang maintindihan natin ang proseso ng Mercari points at kung paano makukuha ang pera papunta sa bangko.
Understanding Mercari Points (メルカリポイント)
Ang Mercari points ay pwedeng magamit sa loob ng Mercari app upang ipambili ng mga items. Ang 1 point ay katumbas ng ¥1, so P1=¥1.
URI NG MERCARI POINTS
May 2 uri ang Mercari points, points na pwedeng mabili galing sa MERUPEI, at points na pwedeng matanggap mula sa mga invitations at events.
Mercari MERUPEI Settings (メルペイ)
Ito ang Settings menu sa pinakababang parte ng Mercari Settings. Isa-isahin natin ito at alamin ang kanilang gamit.
MERUPEI SETTINGS(メルペイ設定)
Ito ang general settings ng app na kung saan matatagpuan ang listahan ng mga nakarehistrong bangko sa’yong account, listahan ng mga nakaraang points, listahan ng mga money transfer, password change at iba pang general settings.
MERUPEI SMART PAY SETTINGS (メルペイスマート払い設定)
Ang Merupei Smart Pay ay paraan ng pagbabayad na kung saan i-seset mo ang sarili mong budget sa pamimili kada buwan at sisingilin ka lang sa araw ng bayaran. Kumbaga, magseset ka ng budget mo at sa loob ng budget na yun ay kung magkano ang magagastos mo ay ibabawas sayo sa billing period.
FIXED-AMOUNT PAY SETTINGS (定額払いの設定)
Ang Fixed-amount Pay naman ay paraan ng pagbabayad kung saan maaari mong mabili ang isang bagay at hahatiin ang bayarin para mabili mo ito kaagad. Kung baga, installment basis mo ito babayaran. Magandang option ito kung mahal ang gusto mong bilin at mas okay sa’yo kung babayaran nalang ito sa mas murang halaga kada buwan.
REGISTER BANK ACCOUNT FOR PAYMENTS (お支払い用銀行口座の登録)
Dito sa option na ito ay irerehistro mo ang bank account mo para ma-connect sa iyong Mercari account. Makakasigurado ka na safe ang transactions na meron sa Mercari.
CONFIRMATION OF MONEY TRANSFER (振込申請期限の確認)
Dito ay maaari mong makita kung naaprubahan ba ang iyong money transfer application galing sa iyong mercari points. Bawat money transfer ay kinakailangan ng oras para maproseso at dito mo makikita ang status ng iyong application.
MONEY TRANSFER APPLICATION (振込申請)
Dito sa option na ito ay makakapag-apply ang isang user na mailipat sa kaniyang sariling bank account ang pera na kinita niya sa Mercari account niya. Sa babang parte ng article na ito ay i-gguide namin kayo kung ano ang mga detalyeng iinput para makapagregister ng bank account.
GUIDE (ガイド)
Dito makikita ang iba’t-ibang guides na maaaring makatulong sa isang user ng application.
APPLICATION FOR USING MERUPEI IN STORES (店舗へのメルペイの導入の申込み)
Ito ay ginagamit kung meron kang isang business na gusto mong magkaron ng option ang mga customer na magbayad gamit ang kanilang Mercari points.
BANK REGISTRATION FILL UP FORM GUIDE
Para makapag-money transfer ka mula sa iyong Mercari account papunta sa iyong bank account, kailangan mo muna itong iregister. Matapos makapaglagay ng mga detalye at makapag-submit ng application ay kakailanganin mo itong antayin dahil dadaan ito sa verification process.
※Huwag kalimutan na dapat, ang account details ng ginagamit mong Mercari account ay dapat pareho sa iyong ireregister na bank account.
TEXT GUIDE
銀行 | BANK | 口座番号 | ACCOUNT NUMBER |
口座種別 | ACCOUNT TYPE | 口座名義(セイ) | FIRST NAME |
支店コード | BRANCH NUMBER | 口座名義(メイ) | LAST NAME |
NOTES
Madali at simple lang gumamit ng Mercari. Wag matakot sa Japanese language at magiging language lesson din naman ito kung patuloy nyong gamitin ang app na ito. Patuloy rin kaming gagawa ng mga impormasyon na magbibigay tulong sa inyong lahat.
Other Mercari Articles
● Ano ang Mercari sa Japan at paano magbenta dito?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang Rakuraku Mercari?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang YuuYuu Mercari?
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.