Ano ang Specified Skilled Worker Visa? SSW Visa? (Tokutei Ginou Visa)
ANO ANG SPECIFIED SKILLED WORKER VISA? (TOKUTEI GINOU VISA)
Dahil sa kakulangan ng workforce dito sa Japan, gumawa ang gobyerno ng panibagong uri ng visa na kung saan maaaring makapag-trabaho sa Japan ang isang visa holder kahit wala itong propesyonal na kuwalipikasyon. It ay tinawag na Specified Skilled Worker Visa o SSW visa. Bago nagkaron ng visa na ito, lahat ng mga dayuhang mang-gagawa ay may sariling nakatakdang kuwalipikasyon sa bawat uri ng trabaho na kanilang ginagawa.
Ayon sa mga impormasyon, required sa Specified Skilled Worker Visa ang Japanese language ability na at least JLPT N4 ang level (Basic Daily conversation level) upang ang isang visa holder ay maaaring makapagtrabaho sa 14 industriyang available sa uri ng visa na ito.
Ang JLPT N4 level ng Japanese language ay ang basic level ng Japanese. Bukod sa nakakabasa na ng hiragana at katakana, meron naring mga na-aral na basic Kanji characters at maaring makaindinti ng basic day-to-day conversations.
Mula Abril 1, 2019, ito ang mga listahan ng 14 industriyang maaring pagtrabahuhan ng isang Specified Skilled Worker Visa holder.
■Care Worker | ■Building Cleaning Management | ■Machine Parts & Tooling Industry |
■Industrial Machinery Manufacturing Industry | ■Electric, Electronic and Information Industry | ■Construction Industry |
■Ship building and Ship Machinery Industry | ■Automobile Repair and Maintenance | ■Aviation Industry |
■Accommodation Industry | ■Agriculture | ■Fishery and Aquaculture |
■Food and Beverage Production Industry | ■Others occupations | |
ANO ANG PINAGKAIBA NG TECHNICAL INTERN TRAINING VISA (TRAINEE VISA) SA SPECIFIED SKILLED WORKER VISA (SSW VISA)?
Ang Technical Intern Training program ay sinagawa ng gobyerno ng Japan upang ang isang aplikante ng kahit anong bansa ay makapunta sa Japan para makapagtrabaho, ma-improve ang kanilang kaalaman at magamit ang kanilang mga natutunan pagbalik nila sa kanilang bansa. Ang mga trainees ay may kakayahang mamili sa 137 trabaho sa 77 na kategorya. Halimbawa, Agrikultura, Konstruksyon, Food Processing, atbp.
Ang layunin ng Technical Intern Training program ay upang magkaron ng palitan ng manpower ang mga Japanese companies. Kaya’t makakakuha lamang ang isang aplikante ng Trainee visa kung kasali ito sa isang organisasyon sa ibang bansa na nagpapadala ng Trainee Visa holders papuntang Japan.
Sa kabilang banda, ang Specified Skilled Worker Visa naman ay panibagong dinagdag ng gobyerno sa mga uri ng Visa dito sa Japan na kung saan mas maraming maibibigay na trabaho sa mga dayuhan. May dalawang uri ang Specified Skilled Worker Visa, ang type (i) at type (ii).
PAANO MAKAKAKUHA NG SPECIFIED SKILLED WORKER VISA?
Upang makakuha ng Specified Skilled Worker Visa type (i), kailangan ng isang aplikante na makapasa at least JLPT N4 (Japanese Language Proficiency Test). Kung ang isang aplikante ay nakakumpleto ng Technical Intern Training (ii), hindi na kailangan pa mag-sumite ng Japanese language proficiency certificate. Ngunit, kung ang gustong trabaho ng aplikante ay nasa ibang uri ng kategorya, kakailanganin niyang kumuha ng eksaminasyon sa trabahong iyon upang makapag-trabaho.
★ Kung ikaw ay nasa labas ng Japan
- Kumuha ng Japanese Language test at Skills proficiency test sa gustong trabaho sa iyong bansa
- Maghanap ng kumpanyang makakapag-sponsor papuntang Japan at pumirma ng kontrata
- Mag-sumite ng mga dokumento para sa SSW Visa
★ Kung ikaw ay nasa Japan bilang isang International Student
- Kumuha ng Japanese Language test at Skills proficiency test sa gustong trabaho dito sa Japan
- Maghanap ng bagong kumpanya at pumirma ng kontrata
- Mag-sumite ng mga dokumento para sa SSW Visa
★Kung ikaw ay isang Technical Intern Trainee na nais magtrabaho sa parehong kumpanya
- Mag-sumite ng mga dokumento para sa SSW Visa
★Kung ikaw ay isang Technical Intern Trainee na nais magtrabaho sa ibang kumpanya
- Maghanap ng bagong kumpanya at pumirma ng kontrata
- Mag-sumite ng mga dokumento para sa SSW Visa
ANO ANG PINAGKAIBA NG SPECIFIED SKILLED WORKER VISA (i) SA SPECIFIED SKILLED WORKER VISA (ii)?
Ang Specified Skilled Worker Visa type (i) ay may kakahayang makapagtrabaho sa 14 kategoryang ibinigay. Maaring tumagal ang isang visa holder na ito mula 1 taon at kalahati hanggang maximum ng 5 taon dahil ito ay pwedeng irenew. Sa kasamaang palad ay hindi maaring madala ang pamilya mula sa ibang bansa papunta sa Japan sa Visa na ito.
Sa kabilang banda, ang Specified Skilled Worker Visa type (ii) naman ay pwede sa Construction Industry at Shipbuilding and Ship Machinery Industry na uri ng trabaho. Maaring tumagal ang isang visa holder na ito ng 3 taon o 1 taon at kahalati, depende sa makukuhang visa at ito ay na-rerenew at walang maximum na limitasyon ng pag-tira dito sa Japan. Sa visa din na ito ay maaring madala ng isang visa holder ang kaniyang pamilya upang sabay na manirahan dito. At di kalaunan ay maaaring makapagpalit ng permanent residency.
ANO ANG MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO SA PAG-SUMITE NG SPECIFIED SKILLED WORKER VISA?
- Application form
- Medical Examination
- Mga dokumentong nagpapakita ng iyong pensyon, health insurance, at mga binayarang buwis.
- Certificate of Tax Payment
- Withholding Tax Slip
- Kopya ng iyong Kenkou Hoken o National Health Insurance Card
- National Health Insurance Payment Certificate
- Mga dokumentong nagpapatunay ng pagka-pasa sa mga kailangang test
- Resume
- Mga dokumentong galing sa inyong kompanya tungkol sa inyong trabaho
Maari nyong sundan at tignan ang link na ito upang makita ang mga dokumentong kailangan sa pag-apply at mga sampol upang magsilbing gabay.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.