ANO ANG AORI UNTEN SA JAPAN AT BAKIT MASAMA ITO
Narinig mo na ba ang salitang Aori Unten? Ang Aori Unten (あおり運転) o reckless driving ay isang uri ng Road Traffic Violation sa Japan na kung saan ang isang driver ay agresibong nagmamaneho at nakakagulo na ito sa iba pang mga driver na maaaring maging resulta ng mga aksidente at magdulot ng pinsala.
May mga reklamo ng mga driver na napipilitan silang magpabilis ng takbo dahil ang driver na nasa likuran nila ay patuloy silang dinidikitan at iniilawan ng high beam.
Noong Hunyo 10 2020, napatupad sa Japan ang batas laban sa mga taong gagawa ng ‘aori unten’. Ito ay dahil sa mga patuloy na natatanggap na traffic violations tungkol sa mga biglang humihinto habang nasa highway, sa mga nagmamaneho ng dikit sa kasunod na kotse, at iba pa.
MGA POSIBLENG MAKASUHAN NG AORI UNTEN
■Tailgating o yung pagdikit masyado sa kotse ng iba at wala ng sapat na distansya
■Pag-gamit ng high-beam headlights ng walang sapat na dahilan
■Biglang pag-brakehabang nasa byahe na maaaring maging sanhi ng biglang pag-brakeng nasa likod na sasakyan
■Biglang pag-babago ng direksyon ng signal sa pag-liko
KASO SA MGA GAGAWA NG AORI UNTEN
Sinasabing aabot sa 3 hanggang 5 taon na pagkakakulong ang matatanggap ng mga lalabag dito. Maari rin pagbayarin ang isang indibidwal ng mahigit ¥500,000 at maaaring ma-kansela ang driver’s license ng isang violator.
MGA MAAARING GAWIN UPANG MAKA-IWAS SA AORI UNTEN
■Magbigay ng sapat na distansya sa ibang sasakyan
■Gumamit ng signal nang nasa tamang panahon
■Mag-bigay sa ibang driver pagkatapos i-check ang kapaligiran
■Maglagay ng dash-cam
Kung ikaw ay makaranas ng ‘aori unten’ habang nag-mamaneho, mabuting tumabi ka muna sa isang sulok na pwedeng hintuan at tumawag sa 110 upang ibalita ang pangyayari.
Makabubuti kung meron kang dash cam sa iyong sasakyan upang magsilbing ebidensya sa ginawang ‘aori unten’ ng isang indibidwal. Kung meron ka nito, mapoprotektahan mo ang iyong sarili sa anumang ‘aori unten’ violations.
Habang nag-mamaneho, magbigay ng atensyon sa mga kotse sa palagid, magbigay ng konsiderasyon at magmaneho ng maingat.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.