Paano nga ba naiba ang Omicron variant sa normal na lagnat at sa ibang variant?
01/12/2022
Ano nga ba ang pinagkaiba ng Omicron variant ng coronavirus sa simpleng lagnat at ibang uri pa ng virus?
NORMAL NA LAGNAT
Infection rate: Hindi malakas makahawa sa iba
Sintomas: Mababa babang lagnat na nasa 37-38 degrees, pag-bahing, sipon, baradong ilong, pag-ubo, sore throat, at mga karamdaman na nasa upper respiratory tract
Bilis ng pagkaramdam ng saki: Mabagal
INFLUENZA
Infection rate: Malakas makahawa
Sintomas: Mataas na lagnat na nasa 38 degrees pataas, joint pain, muscle pain, headace, pagkaginaw, at iba pang sintomas na mabilis lumabas
Bilis ng pagkaramdam ng saki: Mabilis
CORONAVIRUS (Mainly Delta Variant)
Infection rate: Malakas makahawa (Mas malakas kaysa sa Influenza)
Sintomas: Asymptomatic, mababang lagnat o mataas na lagnat, pag-ubo, headache, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy
Bilis ng pagkaramdam ng saki: Mabagal ngunit posibleng biglang maging malubha, posibleng maapektuhan ng pneumonia
CORONAVIRUS (Omicron Variant)
Infection rate: Mas mabilis makahawa kaysa sa Delta Variant
Sintomas: Kapareho ng Influenza ang sintomas na karaniwang may pagkahirap sa upper respiratory tract
Bilis ng pagkaramdam ng saki: Less severe
Ang coronavirus ay mas delikado kumpara sa normal na influenza virus, dahil karaniwang nagkakaproblema ang mga nagpopositibo sa lungs, at bagamat parami palang ang kaso ng Omicron variant, inaasahan na mas magiging madami ang mga magpopositibo dito sa darating pang mga araw.
Sa kabilang banda, ang upper respiratory tract ang karaniwang tinatamaan ng coronavirus. Mayroon itong mga kaparehong sintomas ng normal na lagnat at influenza kaya’t may mga pagkakataon na mahirap malaman kung alin sa ito ang sakit
Kung nakakaranas na ng ilan sa mga sintomas na ito, inaabisuhan na magpatingin na sa ospital o sa pinakamalapit na medical facility upang magpatest.
Importante din na huwag pilitin ang sarili na magtrabaho o pumasok sa paaralan kung nakakaramdam na ng mga sintomas.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa virus at kung papaano maiiwasan ito, i-click lang ang larawan na ito para sa artikulo.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.