Schedule ng pag-bloom ng Cherry Blossoms ngayong taon, nailabas na!
01/19/2022
Inilabas na ng Japanese weather site na Weathernews ang Cherry Blossoms forecast ngayong 2022.
cherry blossoms peak 2022 (wni)
Kagoshima: 23 March
Fukuoka: 16 March
Kochi: 21 March
Hiroshima: 15 March
Osaka: 22 March
Nagoya: 18 March
Kanazawa: 25 March
Tokyo: 18 March
Nagano: 1 April
Niigata: 1 April
Sendai: 31 March
Akita: 8 April
Aomori: 15 April
Sapporo: 23 April
Kushiro: 8 May
Ngayon at lumagpas na ang winter solstice sa Japan, unti-unti nang hahaba ang mga gabi at lalapit na ang panahon sa Spring season.
Ibig sabihin ay papalapit narin ang Cherry Blossoms season at pwede nang mag “hanami” o Cherry Blossoms viewing! Sinasabing mas maagang mag-bbloom ngayon ang mga sakura trees kaysa sa normal.
Ayon sa balita, 5-10 days na mas maaga ang bloom ng sakura ngayong taon, pareho sa nakaraang taon sa buong bansa.
Ito ay dahil ang temperatura sa Pebrero at Marso ay posibleng maging mataas, kaya’t sisibol ng maayos ang mga sakura. Simula Marso ay posible nang maging maaga at tataas ang mainit na temperatura, na siyang susuporta sa pag-sibol ng mga sakura.
Magsisimula ang pag-bloom sa Tokyo at Hiroshima sa bandang Marso 15, at susundan ito ng Fukuoka sa March 16.
Bandang katapusan ng Marso, ay magsisimula nang mag-bloom ang sakura sa western at eastern Japan, maging sa southern Tohoku.
Sinasabing mga bandang unang linggo ng Abril naman magsisimulang sumibol ang mga sakura sa Hokkaido, bandang Abril 21 naman sa Hakodate, Abril 23 sa Sapporo, at Mayo 8 sa Kushiro.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.