Top & Best Philippine Restaurants at Shizuoka Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
Alam nyo ba na marami ring Philippine restaurants at stores sa Shizuoka Prefecture? Pangatlo ang Shizuoka prefecture sa pinakamaraming populasyon ng Pinoy sa Japan. Maraming mga buildings at negosyo ang pinamamahalaan din ng mga Pinoy kabilang na ang mga Philippine stores at restaurants. Tara at tignan natin ang ilan sa mga na puntahan na namin at alamin ang kanilang mga serbisyo
i-Click ang mga larawan para mapunta sa articles ng bawat tindahan at malaman ng mas detalyado ang kanilang mga lugar~
SALLY’S TAMBAYAN RESTOBAR
Namimiss nyo na ba ang pagkaing Pinoy dito sa Japan? Dito sa Numazu City sa Shizuoka Prefecture, nadiskubre namin ang isang Philippine restaurant na talaga namang binabalik-balikan ng mga kumakain dito.
TUESDAY-SUNDAY 11 AM – 10PM | TEL: 055-950-9546
〒411-0905 Shizuoka Prefecture, Numazu City, Shimizu Town, Nagasawa 136-1
Sally’s Tambayan Restobar Facebook Page: LINK
SUPERMOON SUPERMARKET
Nakapunta ka na ba sa Supermoon Supermarket sa Hamamatsu, Shizuoka? Ang Supermoon Supermarket Hamamatsu ay mahigit 10 taon nang nagbibigay serbisyo sa mga Pilipino at iba pang dayuhan sa Japan. Kilala na ito ng maraming Pilipino sa lugar at talaga namang dinadayo ito. Marami silang mga tinitindang Pinoy products at bukod rito ay meron ding money remittance. Halika at tignan ang kanilang mga produkto at serbisyong inooffer!
Everyday 9 AM – 8 PM | TEL: 053-488-4327
〒430-0926 Shizuoka Prefecture, Hamamatsu City, Naka Ward, Sunayama Town, 358-1
Supermoon Facebook Page: LINK
JEN’S GROCERY AND SNACK HAMAMATSU
Ang JEN’s Grocery and Snack sa Hamamatsu City, Shizuoka Prefecture ay isa sa mga pinaka kilalang Pinoy store and restaurant sa Hamamatsu City. Nagsimula ito noon pang 2014 at bukod sa napaka-accessible na lugar nila, at maraming Pinoy products na binibenta, masarap kumain sa kanilang Restaurant at talaga namang pasok na pasok sa panlasang Pinoy ang kanilang mga pagkain~! Tara at tignan ang kanilang mga inooffer na serbisyo!
Everyday 10 AM – 4 AM | TEL: 080-3656-5098
〒432-8032 Shizuoka Prefecture, Hamamatsu City, Naka Ward, Ebitsuka Town 52-1
JEN’S Grocery and Snack Hamamatsu Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
● Top & Best Philippine Restaurants at Aichi Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
● Top & Best Philippine Restaurants at Gifu Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.