Top & Best Philippine Restaurants at Gifu Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
Base sa datos, ang Gifu Prefecture ang may pinakamaraming naninirahan na Pilipino sa buong Japan. Ayon lang sa datos na inilabas ng Ministry of Justice noong 2019, nasa 13,202 katao ang total na bilang ng populasyon ng mga Pilipino sa prepektura, na siyang 22% ng total na bilang ng mga dayuhan sa lugar.
Maging ang mga restaurant at Philippine store din ay dumarami sa paglago ng komunidad. Tignan natin ang mga napuntahan naming Pinoy restaurants at Sari-sari stores sa Gifu Prefecture! Patuloy pa naming i-uupdate ang page na ito sa mga mapupuntahan pa namin.
i-Click ang mga larawan para mapunta sa articles ng bawat tindahan at malaman ng mas detalyado ang kanilang mga lugar~
TAMBAYAN SARI-SARI STORE AND IZAKAYA
Ang “Tambayan Sari- Sari Store and Izakaya” ay isa sa mga sikat na Filipino restaurant sa Mizuho, Gifu. Ang lugar ay accessible at may maluwang na parking area. Mahigit apat na taon pa lang mula ng maitayo ang store na ito ngunit kilalang kilala na sila dahil sa mga services na ino’offer nila.
Weekdays: 2:30PM-10PM Weekends: 11AM-10PM | TEL: 058-327-3005
Address: 635 Inasato, Mizuho, Gifu 502-0224
Tambayan Sari-sari store and Izakaya Facebook page: LINK
NEW NANAY’S KUSINA
Gusto mo ba ng masarap at affordable na Philippine foods? Ang New Nanay’s Kusina ay nagsimula pa noong February 28, 2019 sa Kani City at patuloy itong nakikilala sa bilang isa sa mga authentic Filipino restaurant. Tignan natin ang kanilang restaurant at alamin ang kanilang mga serbisyo.
TUES – SUN 6PM – 10PM
TEL: 0574-49-8680 | Ms. BLESS 080-3649-7301 | Ms. ANGGA 080-3639-9697
〒509-0214 Gifu Prefecture, Kani City, Hiromi 3-62
New Nanay’s Kusina Facebook Page: LINK
BLESS PHILFUDS
Ang Bless Philfuds Kani ay isa sa mga kilalang Philippine store sa Kani City. Nagsimula ito anim na taon na ang nakalipas, at patuloy itong lumalaki at nakikilala sa lugar. Halika at bisitahin natin ang kanilang tindahan!
EVERYDAY 9:00 – 21:00 | TEL: 0574-49-9913
〒509-0207 Gifu Prefecture, Kani City, Imawatari 2139
TAMBAYAN RESTAURANT
Ang Tambayan restaurant sa Kani City ay nagsimula noong August 7, 2021. Patuloy itong nakikilala di lang sa mga taga Kani, kundi pati sa kalapit syudad nito.
Napakabait ng owner at masasarap ang kanilang mga hinahandang pagkain! Halika at tignan natin ang kanilang restaurant!
MON ~ SAT: 12:00 ~ 24:00 | State of Emergency Schedule: 16:00~20:00
CLOSED EVERY SUNDAYS
TEL: 080-4843-9253
〒509-0214 Gifu Prefecture, Kani City, Hiromi 2-30
Tambayan Kani City Restaurant Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
● Top & Best Philippine Restaurants at Aichi Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
● Top & Best Philippine Restaurants at Shizuoka Prefecture (Philippine Stores and Restaurants list)
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.