Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang Yuyu Mercari?
Dalawa sa mga uri ng pagpapadala sa Mercari ang Rakuraku Mercari at YuYu Mercari. Bukod sa pagpapadala sa Post Office, tumatanggap din ang mga convenience stores para maipadala ang mga binili ng iyong mga customers.
Sobrang convenient gamitin ang mga ito at ilalagay mo nalang ang gamit na iyong ipapadala. Alamin natin ang pagkakaiba ng dalawa at ano ang mga advantages ng bawat isa.
YUYU MERCARI(ゆうゆうメルカリ便)
Ang YuYu Mercari ay handog ng Japan Post sa mga taong nais magpadala sa Mercari. Dahil dito, ang shipping fee ay maaaring isama na sa bayarin ng customer o sagutin ng seller. Isa sa mga advantage nito ay pwede mong ipadala ang mga items mo sa mailbox!
Para sa mga items na hindi kakasya sa mailbox ay maaaring convenience store ang kumuha ng iyong mga ipapadala. Ito ang shipping rate at size chart ng YuYu Mercari.
YU PACKET / YU PACKET POST (ゆうパケット/ゆうパケットポスト)
Ang Yu Packet o Yu Packet Post ay isa sa mga shipping option ng pagpapadala sa Mercari. Bagay ito sa mga damit ng mga bata, mga maliliit na laruan at bagay gaya ng mga CD, albums, frame, at iba pa.
(c) mercari
Ang size ng box ay 32.7cm (length) x 22.8cm (width) x 3cm (thickness).
Ang bigat ay maaaring hanggang 2kg.
Ang Yu Packet Post ay nabibili sa Post Office, Lawson, Seria, at sa Mercari store app.
Box Price: 65~110 yen | Shipping cost: 200 yen |
YU PACKET PLUS (ゆうパケットプラス)
Mas malaki ito kumpara sa YU PACKET / YU PACKET POST. Maaaring magkasya dito ang makakapal na magazine, laruan, mga kitchenware, anime figure, inumin at iba pa. Piliin mo to kung sa tingin mo ay medyo makapal ang bagay na iyong ipapadala.
(c) mercari
Ang size ng box ay 17cm (length) x 24cm (width) x 7cm (height)
Ang bigat ay maaaring hanggang 2kg.
Ang Yu Packet Plus ay nabibili sa Post Office, Lawson, at sa Mercari store app.
Box Price: 65 yen | Shipping cost: 375 yen |
YU PACK (ゆうパック)
Ang Yu Pack ay para sa mga medium – large size items. May sarili din itong box ngunit maaaring sariling box ang gamitin at ito ang gamiting option. Ito rin ang ginagamit kong option tuwing nagpapadala ako ng package na lagpas sa laki ng Yu Packet Plus lalo na kung hindi ko alam ang size.
(c) mercari
*Ang shipping fee ay magbabase sa total na length, width, thickness, at bigat ng package.
Size (Weight) | Shipping Fee |
Size 60 (up to 2kg) | 700 yen |
Size 80 (up to 5kg) | 800 yen |
Size 100 (up to 10kg) | 1,000 yen |
iclick ang article para sa Rakuraku Mercari Delivery information.
Packing Guide Videos
Maaring tignan ang official site ng Mercari para makita ang mga packing guides sa bawat package.
Other Mercari Articles
● Paano magtransfer ng pera from Mercari to bank account?
● Ano ang Mercari sa Japan at paano magbenta dito?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang Rakuraku Mercari?
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.