Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang Rakuraku Mercari?
Dalawa sa mga uri ng pagpapadala sa Mercari ang Rakuraku Mercari at YuuYuu Mercari. Bukod sa pagpapadala sa Post Office, tumatanggap din ang mga convenience stores para maipadala ang mga binili ng iyong mga customers.
Sobrang convenient gamitin ang mga ito at ilalagay mo nalang ang gamit na iyong ipapadala. Alamin natin ang pagkakaiba ng dalawa at ano ang mga advantages ng bawat isa.
RAKURAKU MERCARI(らくらくメルカリ便)
Ang Rakuraku Mercari ay hatid ng Kuroneko Yamato Transport service sa mga taong nais magpadala sa Mercari. Dahil dito, ang shipping fee ay maaaring isama na sa bayarin ng customer o sagutin ng seller. Isa sa mga advantage nito ay pwede mong ipadala ang mga items mo sa mailbox!
Para sa mga items na hindi kakasya sa mailbox ay maaaring convenience store ang kumuha ng iyong mga ipapadala. Ito ang shipping rate at size chart ng Rakuraku Mercari.
NEKOPOST (ネコポス)
Ang Nekopost ay isa sa mga shipping option ng Rakuraku mercari para sa mga maliliit na packages. Bagay ito sa mga libro, magazine, cd, accessories, at iba pang mga maliliit na bagay.
(c) mercari
Ang size ng box ay 31cm (length) x 22.6cm (width) x 3cm (thickness).
Ang bigat ay maaaring hanggang hindi lalagpas sa 2kg.
Ang Nekopost ay nabibili sa Yamato Delivery service stores, Family mart, at Seven Eleven.
Box Price: 66 yen | Shipping cost: 175yen |
TAKYUBIN COMPACT (宅急便コンパクト)
Mas malaki ang Takyubin Compact kumpara sa NekoPost at maganda itong gamitin sa mga normal size na damit, mga libro, anime figure, at iba pang may kakapalan na gamit.
(c) kuronekoyamato
Ang size ng box ay 17cm (length) x 24cm (width) x 7cm (height)
Ang bigat ay maaaring hanggang 2kg.
Ang Takyubin Compact ay nabibili sa Kuroneko Service store, Family Mart, at Seven Eleven.
Box Price: 70yen | Shipping cost: 380yen |
TAKYUBIN (宅急便)
Ang Takyubin ay para sa mga medium – large size items. Maaring sariling box ang gamitin sa pagdedeliver ng malalaking gamit. Ito rin ang ginagamit kong option tuwing nagpapadala ako ng package na lagpas sa laki ng Yuu Packet Plus o Takyubin Compact lalo na kung hindi ko alam ang size.
*Ang shipping fee ay magbabase sa total na length, width, thickness, at bigat ng package.
Size (Weight) | Shipping Fee |
Size 60 (up to 2kg) | 700 yen |
Size 80 (up to 5kg) | 800 yen |
Size 100 (up to 10kg) | 1,000 yen |
Size 120 (up to 15kg) | 1,100 yen |
Size 140 (up to 20kg) | 1,300 yen |
Size 160 (up to 25kg) | 1,600 yen |
iclick ang article para sa YuuYuu Mercari Delivery information.
Packing Guide Videos
Maaring tignan ang official site ng Mercari para makita ang mga packing guides sa bawat package.
Other Mercari Articles
● Paano magtransfer ng pera from Mercari to bank account?
● Ano ang Mercari sa Japan at paano magbenta dito?
● Paano magpadala ng gamit sa mercari? Ano ang YuuYuu Mercari?
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.