Lalake, pinaliguan ang sarili ng kerosene, tinakot ang girlfriend na susunugin ang sarili at sinunog ang bahay ng kasintahan
12/13/2022
IBARAKI - Inaresto ng Tsukuba Police sa Ibaraki prefecture ang isang 23-taon gulang na lalaki sa kasong panununog matapos paliguan ang sarili ng kerosene at sinabing magpapakamatay ito. Bukod rito ay sinunog ng suspek ang bahay ng sariling kasintahan.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Kazuki Hongo, isang deliver company employee, ay tinakot di umano ang 23-taon gulang na girlfriend nito at 83-taon gulang na lolo ng girlfriend na sisilaban niya di umano ang sarili, bandang 6:30 ng gabi noong Disyembre 10.
Ang babae ay wala sa bahay noong mga panahon na iyon at natanggap lang ang pananakot ni Hongo mula sa isang text message. Sa huli ay hindi natuloy ang pagpapakamatay ni Hongo at sinilaban nila ang bahay ng girlfriend bago siya naaresto.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.