8-months old na baby, namatay matapos magkaroon ng aberya sa pag-andar ang sinasakyang ambulansya dahil sa isang pagkakamali sa Osaka
07/04/2023
OSAKA - Inanunsyo ng Kishiwada City Fire Department na isang 8-buwan gulang na sanggol ang namatay matapos magkaroon ng aberya sa pagpaaandar ng ambulansya na nagtagal ng mahigit 6 minuto.
Baby dies after ambulance gets stuck in gutter in Osaka Prefecture (MBS)
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente bandang 12:00 ng madaling araw na kung saan isang ama ang humingi ng saklolo dahil hindi umano humihinga ang 8-buwan gulang na anak. Dali-dali namang rumisponde ang mga rescue team, ngunit sumabit ang ambulansya sa isang gutter at nagkaroon ng aberya sa pag-andar. Dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng 6 minuto na delay at sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang bata. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis at inaalam ang cause-and-effect ng pangyayaring delay sa pagliligtas sa buhay ng sanggol. News Source: TBS NewsJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.