91-taon gulang na lalake, kinasuhan matapos patayin ang 92-taon gulang na asawa sa loob ng isang nursing home
07/12/2023
TOKYO - Kinasuhan ng Tachikawa Tokyo Prosecutor's office ang isang 91-taon gulang na lalaki sa kasong pagpatay sa kaniyang asawa sa loob ng isang nursing home sa Hamura City sa Tokyo.
Ayon sa kaso, pinatay sa pananakal ni Tadashi Morita ang kaniyang asawa gamit ang isang electric appliance cord noong June 18.
Matapos maaresto, umamin ang suspek at sinabing handa na siyang mamatay upang mapakasalan muli ang kaniyang asawa sa langit.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.