2 lalaking nagmomotorsiklo, patay matapos masagasaan ng isang tren sa Tokyo
07/18/2023
TOKYO - Dalawang lalaking nasa 20s ang edad ang namatay matapos mahagip ng isang tren ang sinasakyang motor noong Linggo.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon sa isang crossing sa Keio Line sa gitna ng Daitabashi at Meidaime station sa Setagaya Ward. Isa sa mga biktima ay patay kagad matapos ang pagkasagasa, at ang isa naman ay isinugod pa sa ospital ngunit binawian rin ng buhay.
Sinabi ng mga pulis na nakababa naman ang harang sa crossing nang mangyari ang insidente.
Dahil sa nangyari ay nagkaroon ng delay sa linya ng mahigit isang oras, at nasa 23,000 komyuter ang naapektuhan sa nangyaring delay.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.