Lalake, arestado sa pagtangkang pagpatay sa sariling boss sa pananaksak at paghahampas ng golf club
07/19/2023
KAGAWA - Inaresto ng Takamatsu police sa Kagawa Prefecture ang isang 49-taon gulang na lalaki sa kasong attempted murder matapos niyang saksakin ng patalim at hampasin ng golf club ang kaniyang 61-taon gulang na boss.
Man arrested for attempted murder after stabbing boss with knife and hitting him with golf club (TBS)
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Mitsuhito Fuchizaki, ay gumamit ng golf club upang hampasin sa likurang bahagi ng ulo ang kaniyang boss habang naglalakad ito sa isang kalye sa Takamatsu City bandang alas-7 ng umaga noong July 14. Bukod sa paghahampas ay sinaksak din niya ang biktima gamit ang isang kutsilyo. Isinugod sa ospital ang biktima at sa kabutihang palad ay nakaligtas ito sa kamatayan. Ayon sa mga doktor, magtatagal ng mahigit 3 buwan na pagpapagaling ang kailangan upang makabalik sa dating sigla. Bagama't tumakas ang suspek matapos manaksak, nadiskubre ang pagkakakilanlan sa kaniya gamit ang mga CCTV sa lugar. Inaresto siya noong Lunes. Sinasabing ang dalawa ay nagtatrabaho sa isang electronics manufacturing company at boss di umano ni Fuchizaki ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang sanhi ng away sa dalawa. News Source: Japan Today; TBSJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.