Isang Japanese idol, kinagat sa mukha ng isang aso habang nasa recording session
07/20/2023
Isang miyembro ng Japanese idol group na Hinatazaka46, ang nagtamo ng injury matapos kagatin ng isang aso sa mukha at daliri habang nagrerecord ng isang show.
Dog bites Japanese idol on face during recording session (ANN)
Nangyari ang insidente habang nasa recording ng "Let's become Hinatazaka". Si Takeuchi Kirari, isang miyembro ng idol group na Hinatazaka46, ay kinagat ng isang aso na kasama sa eksena sa shooting. Nagkaroon ng injury si Takeuchi sa kaniyang mata, bibig at daliri. Inanunsyo ng official SNS ng Hinatazaka46 na ligtas na sa kapahamakan ang idol, ngunit panandalian muna itong magpapahinga upang magpagaling. News Source: News on JapanJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.