Nabubulok na bangkay ng dalawang matanda, natagpuan sa isang bahay sa Nagoya
07/24/2023
AICHI - Dalawang nabubulok na bangkay ng matanda ang natagpuan sa loob ng kanilang bahay noong Sabado sa Nagoya City sa Aichi Prefecture.
Ayon sa mga pulis, ang bangkay ay mula sa isang mag-asawa at nadiskubre ito ng bandang 2:00 ng hapon ng isang kamag-anak na wala nang balita sa mag-asawa kaya't naisipan niyang bumisita sa mga ito.
Base sa imbestigasyon, walang nakitang senyales ng pagpatay sa dalawang bangkay na nakahandusay sa sahig sa isang tatami room.
Bagama't walang foul play, pinaplano parin ng mga pulis na magsagawa ng autopsy upang matukoy ang pagkamatay ng mag-asawa.
Wala rin di umanong senyales ng panloloob sa bahay ng mga biktima.
News Source: News on Japan
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.