Lalake, patay sa heatstroke habang nagtatrabaho sa isang tinrahan na nakapatay ang aircon!
07/26/2023
TOCHIGI - Inanunsyo ng Tochigi Labor Bureau noong July 24 na isang lalaki ang pumanaw sa heatstroke habang nasa trabaho.
Nasa 50s ang edad ng biktima na siyang nagtatrabaho sa isang retail store na hindi nakabukas ang aircon. Natagpuan nalang siyang walang malay ng isang katrabaho at inihiga sa isa sa mga kwarto sa pasilidad. Isinugod siya sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa heatstroke.
Ayon sa labor bureau, may aircon naman ang tindahan ngunit hindi ito naka-on noong panahon na iyon. Umabot di umano sa mahigit 32.5 ang temperatura noong nangyari ang insidente.
Nasa mahigit 20 kaso ng kamatayan sa heatstroke ang naitatala kada taon. Hinihikayat ng labor bureau ang mga negosyante na gumawa ng mga hakbang upang makaiwas sa heatstroke ang mga empleyado. Hinihikayat din ang mga empleyado na uminom ng sapat na tubig sa katawan.
News Source: Mainichi News
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.