6-taon gulang na bata, nagising nalang na patay na ang kaniyang magulang sa loob ng kanilang bahay
08/02/2023
OKAYAMA - Isang 6-taon gulang na bata ang tumakbo sa kapitbahay matapos makitang patay na ang kaniyang magulang sa loob ng kanilang bahay sa Okayama City, Okayama Prefecture kahapon, August 1.
Ayon sa mga pulis, tumawag ang kapitbahay sa 110 bandang alas-6 ng umaga. Dali-daling rumisponde ang mga pulis at natagpuan ang bangkay ng 38-taon gulang na ama at 42-taon gulang na ina ng bata na may saksak sa loob ng kanilang bahay. Hinihinala na murder-suicide ang nangyari.
Ang ama ng bata ay nasa sahig malapit sa kusina, at ang ina naman ay nasa loob ng bedroom na may kutsilyo malapit sa katawan.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, walang senyales ng panloloob sa bahay o pagnanakaw.
Sa ngayon ay kinuha ang kostodiya ng bata at patuloy ang imbestigasyon sa nangyari.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.