The Amigos Nishio Branch, Nishio City’s all-around Brazil and Asian Store!
Ang The Amigos ay isa sa mga kilalang Brazilian products supplier dito sa Japan. Marami silang binibentang produkto at pagkain na galing pang Brazil, at hindi lamang produkto, maging mga karne, na kung saan sila patuloy na nakikilala.
Mayroong silang 7 branches sa buong bansa. Meron sa Odaka City, Ogaki City, Toyokawa City, Iwaya City, Hamamatsu City, Kosai City, at Nishio City. Mahigit 20 taon ng nagbibigay ng serbisyo ang The Amigos bilang isa sa mga kilalang meat supplier ng bansa. Maraming Hapon at Brazilian ang tumatangkilik sa kanilang mga produkto at patuloy itong nakikilala, maging ang mga Pilipino at iba pang lahi ay pumupunta narin sa lugar upang mamili at kumain ng kanilang mga karne.
Ang main service nila ay ang pagbebenta ng produkto sa kanilang local store, nagpapatakbo din sila ng online shop ng mga Philippine at Brazil products na kanilang ibinibenta.
LOTS OF BRAZIL PRODUCTS
Sobrang dami ng Brazil products sa The Amigos Nishio branch. Hindi lang Brazil products, maging Philippines, Korean at iba pang produktong Asiano ay meron dito. Kilala ang lugar sa mga Brazil nationals at karaniwang dito na sila bumibili ng mga karne sa pang-araw-araw.
Mayron narin ditong mga tindang gulay, mga beauty and everyday products, chocolates para sa mga bata, mga inumin, at iba pang mga sangkap sa pagluluto.
ASIAN FOODS CORNER
Bukod sa kanilang mga Brazil imported products, mayroon din silang Asian products corner na kung saan linya-linya ang mga Philippine, Vietnam, Indonesia, Thai at Korean products.
Nandito ang paborito nating Pancit canton, mga sangkap sa pagluluto gaya ng magic sarap, toyo, suka, at iba pang ginagamit sa mga Philippine cuisine! Tara na at bumisita sa The Amigos Nishio Branch upang bumili ng mga Philippine products!
FROZEN PRODUCTS
May mga frozen products din na available palagi sa The Amigos Nishio branch. May iba’t ibang parte ng baka, baboy, manok at iba pa na hindi karaniwang nabibili sa normal na supermarket.
Tignan nyo oh, mayron pang ulo ng baboy! Bagay na bagay sa mga selebrasyon gaya ng mga party! (Sorry buta-san.)
ONLINE SHOP
Bukod sa kanilang physical store, meron din silang Online shopping website na tinatawag nilang “The Amigos Mercado Online” kung saan makakapag-grocery ka ng kanilang mga produkto gamit lang ang iyong phone. Marami ring umoorder sa kanila online dahil bukod sa mas safe umorder, hindi mo na kailangan pang lumabas para bumili dahil idedeliver naman nila ang produktong binili mo diretso sa iyong bahay.
Meron din silang mga napapanahon na SALE kayat’ mabuting tignan from time-to-time ang kanilang online store. Iclick lang ang link na ito para makita ang kanilang mga produkto: LINK
ASIAN FOODS ONLINE GROCERY STORE
Meron din silang Philippine products online grocery store. Ito ay tinatawag na ASIAN FOODS na kung saan, mga produktong Pinoy naman ang inihahandog sating mga kababayan. Malaki narin at kilala ang Asian Foods dahil sa mga binibenta nilang parte ng karne na ginagamit sa ilang lutong pinoy.
Marami silang binibentang Pinoy products dito na meron din sa kanilang lokal na tindahan. Ang maganda dito, meron din silang inooffer na COD o ung Cash on Delivery service. Kaya’t makakasigurado ka na ligtas at kumpleto ang iyong mga bilihin.
Ligtas ka na sa panganib ng pandemya, sigurado ka pa na tama ang iyong mga inorder. Maaring makita ang kanilang website sa pag-click ng link na ito: LINK
MEAT. MEAT. MEAT
Hindi mawawala sa The Amigos ang kanilang meat corner. Kilala na ang The Amigos sa kanilang mga meat products na hindi karaniwang nabibili sa mga local supermarket dito sa Japan. Bukod sa marasap at fresh ang kanilang mga produkto, talaga namang masasabi mong may kuwalidad ang mga ito.
May mga original marinade din silang mga ginagawa sa mga karne na ibinibenta na babagay talaga sa mga ihaw-ihaw, at meron ding mga lutong ulam para sa mga gusto lang mag take-out.
BAKERY
May seksyon din ang The Amigos Nishio branch ng bakery o tinatawag nilang “Padaria“. Laging malambot at masarap ang kanilang tinapay na bagay lagyan ng keso at italian sausage na tinatawag nilang “Mortadela“.
Meron din silang binibentang mga sausages, ham at iba pang bagay pampalaman sa tinapay~
MONEY REMITTANCE SERVICE
Ang The Amigos Nishio Branch ay isa sa mga authorized partner ng Western Union para sa mga money remittance services. Maraming Pinoy at Peru national ang mga pumupunta sa lugar upang magpadala. Mabait ang kanilang staff na laging handa upang tulungan ka sa inyong money remittance.
Bukas ang Western Union money remittance service nila tuwing MON-FRI 10:00 ~ 18:50 | SAT-SUN 14:30~19:00
AMBIENCE
Maluwag at maganda ang The Amigos Nishio branch. Masarap ikutin ang lugar upang magtingin-tingin ng iba’t-ibang produkto at mabibili. Mababait din ang mga staff nila na may halong Brazil at Japanese national.
Tara na at bumisita dito sa kanila!
STORE LOCATION / HOW TO VISIT THE AMIGOS NISHIO BRANCH
Accessible ang The Amigos Nishio branch dahil malapit lang ito sa train station. Mula Nishio Station ay 6 na minuto lang ang layo kung naka-kotse. Kung maglalakad naman ay nasa mahigit 20 minutos ang magiging layo. Dire-diretso lang ang daan mula sa estasyon kaya’t madali lang itong puntahan.
THE AMIGOS NISHIO BRANCH ADDRESS
THE AMIGOS NISHIO BRANCH 異国精肉店
MON-FRI 10:00 AM – 9:00 PM | SAT-SUN 9:30 AM – 9:00 PM
TEL: 052-625-4951
〒445-0891 Aichi Prefecture, Nishio City, Shimomachi, Shinmeishita 11
The Amigos Facebook Page: LINK
AsianFoods Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.